Gela Atayde nami-miss na ang pag arte


Ang pag arte daw ang sobrang namimiss gawin ngayon ng  New Gen Dance Champion na si Gela Atayde na bukod sa husay sa pag sayaw at pag arte ay sumabak na rin sa hosting via " Time To Dance " na  ABS-CBN Studios at Nathan Studios Inc. With Robi Domingo. 

Ang pinakabagong  dance contest ng ABS CBN  na ang hihiranging grand champion ay dadaan sa  mahuhusay na mananayaw sa Bansa na sina coach Vimi Rivera, Ken San Jose kasama ang ilan pang celebrity guest na di matatawaran ang galing sa dance floor.


Ayon nga ka'y Gela “Dancing will always be closer to my heart kasi doon po ako nagsimula, kung bakit I am what I am now. 

“Pero first love ko sa totoo lang is acting. Bata palang po ako ay nanonood na talaga ako ng mga teleserye. "

" Laking kusina po ako actually with the yaya's, sila po ang nag-exposed sa akin sa mga teleserye. "


" Lumaki po akong nagkukunwaring kapatid ko si Santino, at nagkukunwari ring kaibigan si Agua Bendita. "

“Tapos nagtatago ako sa kwarto ni mommy at kinukuha ko ‘yung makakapal niyang script at babasahin ang mga linya."  

" Kasi ‘yun talaga ‘yung pangarap ko, acting is my ultimate dream but then upon entering  siyempre I also would be able to showcase this talent of mine which is dancing and I think ang sarap din  makilala bilang dancer kasi it’s something that I worked hard for years. "


“But bilang artista it’s something that I will continue work on pa po at marami pa akong dapat i-improve on acting and I really, really want more work in terms of acting dahil sobrang miss ko na ring umarte,” 

Dagdag pa ni Gela na ang mga contestant ng Time To Dance ang bida sa kanilang show.


Mapapanood ang Time To Dance saJanuary 18, 2025, Saturday sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, MYX, at WantTFC.


Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

THE FIRST PHILIPPINE FASHION PILLARS AWARD 2024

Mia Japson dream come true na makasama sa concert sina Haji, Rachel at Gino