Posts

Showing posts from February, 2025

Beauty Queen Marianne Bermundo gustong sundan ang yapak ni Sarah Geronimo

Image
  Pansamantalang iiwan ng 2023 Miss Teen Culture World International na si Marianne Bermundo ang mundo ng Pageant at magpo-focus muna sa Showbiz. Ayon nga ka'y Marianne sa nakalipas na presscon ng kauna-unahang concert ng Cloud 7 ang  Nasa Cloud 7 ako heartbeats for a cause, kung saan kasama ito at si Yancy De Vera na susubukan muna niya ang kanyang luck sa showbiz at pag nasa tamang edad na siya ay  tsaka niya babalikan ang mundo ng  Pageant. Isa nga sa iniidolo ni Marianne ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na bukod daw sa mahusay kumanta ay napakahusay ding sumayaw at umarte kaya naman ang yapak nito ang gusto niyang sundan. At sa concert nga ng Cloud 7 ay ipapakita ni Marianne ang kanyang talent sa singing at dancing at  isa nga daw sa dapat abangan sa concert  ang  production number nito with Cloud 7. Ang Nasa Cloud 7 ako a Heartbeats for a cause ay hatid ng Best Magazine ng kaibigang Richard Hin̈ola at gaganapin sa Feb. 28 sa Music Museum.

Buffalo Kids mapapanood na sa Pilipinas simula Pebrero 12

Image
Handog ng Nathan Studios ang kapanapanabik at heartwarming na paglalakbay ng pagkakaibigan at pamilya. MULI nanamang gumawa ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang pina-unang Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas. Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t-ibang genres — mapa-aksyon, comedi, drama, at marami pang iba — sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa Buffalo Kids. Aligned ito sa misyon ng studio sa pagawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films. Sa direksyon ni Gabo Galdochi at sa ilalim ng produksyon ni Pedro Solis, ang Buffalo Kids ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo.   Tampok sa Buffalo Kids sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen G...