Beauty Queen Marianne Bermundo gustong sundan ang yapak ni Sarah Geronimo

 

Pansamantalang iiwan ng 2023 Miss Teen Culture World International na si Marianne Bermundo ang mundo ng Pageant at magpo-focus muna sa Showbiz.


Ayon nga ka'y Marianne sa nakalipas na presscon ng kauna-unahang concert ng Cloud 7 ang  Nasa Cloud 7 ako heartbeats for a cause, kung saan kasama ito at si Yancy De Vera na susubukan muna niya ang kanyang luck sa showbiz at pag nasa tamang edad na siya ay  tsaka niya babalikan ang mundo ng  Pageant.


Isa nga sa iniidolo ni Marianne ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na bukod daw sa mahusay kumanta ay napakahusay ding sumayaw at umarte kaya naman ang yapak nito ang gusto niyang sundan.



At sa concert nga ng Cloud 7 ay ipapakita ni Marianne ang kanyang talent sa singing at dancing at  isa nga daw sa dapat abangan sa concert  ang  production number nito with Cloud 7.


Ang Nasa Cloud 7 ako a Heartbeats for a cause ay hatid ng Best Magazine ng kaibigang Richard Hin̈ola at gaganapin sa Feb. 28 sa Music Museum.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

THE FIRST PHILIPPINE FASHION PILLARS AWARD 2024

Mia Japson dream come true na makasama sa concert sina Haji, Rachel at Gino