WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS', WAGI SA 38TH PMPC STAR AWARDS FOR TV! MAY SEASON 4 BA?

.
PINATUNAYAN ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na panalo ito sa puso ng Pinoy matapos magwaging Best Mini Series sa 38th PMPC Star Awards for Television nitong Linggo, Marso 23, sa Dolphy Theater.

Tuwang-tuwa si action star-lawmaker Senator Ramon Bong Revilla, Jr., na gumaganap bilang si TOLOMEEEE! sa panibagong karangalang iginawad sa kanilang serye.


“Grabe! Sobrang nakakataba ng puso! Mula umpisa hanggang dulo, ibinuhos namin ang lahat para mabigyan kayo ng isang palabas na hindi lang puno ng aksyon at tawanan, kundi aral at lalim din. 

"Nagpapasalamat kami sa PMPC sa pagkilalang ito, sa aming production team, at higit sa lahat, sa mga manonood na walang sawang sumuporta,” pahayag ng mambabatas.

Kahit tapos na ang Season 3 ng show, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nito. Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang timpla ng aksyon, tawanan, at kurot sa puso. 


Kasama ni Senador Bong sa tagumpay na ito sina Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, at iba pang mahuhusay na artista.

Usap-usapan ngayon kung magkakaroon ba ng Season 4 ang "Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis!" 

Hindi pa ito kinukumpirma ni Senador Bong, pero marami na ang nag-aabang – babalik kaya si Tolome sa telebisyon?

Abangan!

Comments

Popular posts from this blog

Matagumpay ang Ika-2nd Gawad Dangal ng Filipino Awards 2024!

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,

Cong. Arjo Atayde pinabulaanang di na tatakbo sa susunod na eleksiyon