Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo
Sa pagpasok sa showbiz ng newbee teen actress at beauty queen na si Mariane Bermundo ay okey daw sa kanya na magkaroon ng ka loveteam.
" I'm open po na magkaroon ng ka loveteam, every opportunity na makakatulong sa akin okey po ako, "
" And yung mga hinahangaan ko rin pong artists nag simula din po sa pagkakarpon ng ka loveteam like Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, kaya no problem for me po if magkakadoon din ako ng ka loveteam, "
At if ever nga daw na magkakaroon ito ng ka love team ay gusto niya ang
controversial singer and actor na si Kyle Echarri.
" I think the first man that comes to my mind is Kyle ( Echarri, kasi he's very talented and magaling din umarte, "
" And bukod po sa talented si Kyle matanglad at guwapo siya, "
" Hopefully po makatrabaho ko siya in the near future, "
At kahi't nga baguhan sa pag arte ay mukhang may ibubuga si Marianne ng makita at mapanood namin itong umarte ng bumisita kami sa kanilang shooting ng kanyang pinagbibidahang advocacy movie na " Ako si Kindness ", kung saan heavy drama ang mga eksena at talaga namang maraming luha ang umagos sa mata ni Marianne sa eksenang iyon.
At maging ang mga tao sa paligid including myself ay di nga naiwasang maluha sa husay ng nasabing eksena nina Marianne at ng aktres na si Rubi Rubi.
Ang Ako si Kindness ay hatid ng Love life Project in cooperarion of Best Magazine ni Richard Hin̈ola, RDH Entertainment Network and Yeaha Channel. Sa direksiyon ni Crisaldo Pablo.
Kung saan makakasama nito sina Rubi Rubi, Patricia Ysmael, William Thio, Dave Gomez, Kween Buraot, Miles Poblete, Cye Soriano at Jenny Lin Ngai.
Comments
Post a Comment