InnerVoices at Neocolours successful ang Noctos Music Bar show



BLOCKBUSTER ang katatapos na back to back  show ng InnerVoices at Neocolours  sa Noctos Music Music Bar sa Scout Tuazon, Quezon City last Sept. 06.

Punompuno ang buong lugar ng Noctos Music Bar 
sa dami ng taong nais marinig ang  InnerVoices na sobrang lakas ng charisma sa mga manonod, idagdag pa ang kilig na dala ng  Neocolours dahil sa kanilang mga hit songs.

Katulad ng kanilang mga nakalipas na shows nag enjoy ng husto sa kanilang mga awitin ang mga tao sa loob ng Noctos Music Bar.

Ilan sa awiting kinanta ng InnerVoices ang  Meant to Be, Take This Love, Bohemian Rhapsody, Wild Flower, Broken Wings, Idlip, Saksi ang Mga Tala, Sa Ilalim ng Buwan atbp

Ang InnerVoices ay binubuo ng band vocalist nito na si Patrick Marcelino, ang founder at keyboardist na si Atty. Rey Bergado ,Rene Tecson sa guitar, Alvin Herbon sa bass, Joseph Cruz sa keyboards at Joseph Esparago sa percussion.

Inawit naman ng Neocolours sa pangunguna ng band vocalist nito na si Ito Rapadas ang kanilang mga original hit songs na "Say You'll Never Go", "Hold On", "Tuloy Pa Rin" at iba pa.






At ngayong Sept. 12 ay nasa Aromata Quezon City ang InnerVoices at sa Sept. 19 ay babalik sila sa Noctos Music Bar kasama naman ang Apo Hiking Society.


Comments

Popular posts from this blog

Si Francine Garcia daw ang gustong makasama ni Seth Fedelin

Kyle Echarri gustong makatrabaho ni Beauty Queen Marianne Bermundo

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,