ONE VERSE gustong makilala sa ibang Bansa!
ANG MAKILALA sa buong mundo ang pangarap ng
Newest PPop Boy Group sa Bansa ang ONE VERSE
na kinabibilangan nina Mr Pogi Ero , Aubrey, Cassy, Thirdy ,Marcky, Amiel, Franz
Ang grupo ay nasa pangangalaga nina Jhay Layson , Direk Jaysar Lorayna, Direk JP Lopez, Mark David Derayunan from PH Entertainment.
Napanood namin ang One Verse sa katatapos na Gawad Dangal Filipino Awards 2025 ni Direk Romm Burlat at nakita namin na may ibubuga ang mga ito pagdating sa kantahan at sayawan, maganda ang timbre ng kanilang boses at
mahusay sumayaw plus factor pa na guwapo ang lahat ng miyembro nito.
Isa sa agad naming napansin among the group ay si Thirdy na bukod sa guwapo ay maganda ang PR, laging nakangiti at palabati.
Nakapag perform na rin ang grupo sa 73rd FAMAS
Awards ay 37th Star Awards for Movies at last Sept. 19 ay pinarangalan silang most promising boy group of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards 2025.
Meron na ring two songs ang ONE VERSE ang " Ako Dapat " at ang bagong release na " Ako'y Sayo " .
Ang dalawang kanta ay available na sa lahat ng Digital Platform at sa Youtube.
Sinabi nga ng grupo na wala silang intensiyong makipagkompitensiya sa kanino mang P-Pop group, dahil pare-pareho silang nangangarap na sumikat
at makilala din lang sa Pilipinas, pati ma rin sa ibang Bansa
Idolo at inspiration daw nila ang tinaguriang Philippine King of PPop, ang SB 19 na di lang sumikat sa Pilipinas kung hindi sa ibang Bansa
Comments
Post a Comment