Xyriel Manabat mas tumibay at naging matatag sa pinagdaanan
IMAMIN ng Kapamilya Actress na si Xyriel Manabat isa sa lead actress ng pelikulang The Last Beer Gin ng Cineko
Cineko Productions and Obra Cinema Productions, na medyo hirap siya sa pera ngayon sa pagkawala ng kanyang savings na involve ang kanyang pamilya.
Tsika nga ni Xyriel sa mediacon ng The Last Beer Gin kamakailan “I'm healed. Mararamdaman at maririnig n’yo naman the way ko ikuwento,
" Walang bitterness and walang grudge sa family. I’m really healed,
" Wala, eh. Anong magagawa ko? It's simply a matter of inspiring others with my story,”
At kahi't ganun daw ang nangyari ay ayaw daw nitong mag tanim ng galit sa kanyang pamilya.
" It was never about spreading hate sa family at parents ko. Okay kami,
" Actually, kaka-date lang namin kagabi. So, okay talaga kami. Wala naman tayong magagawa. Nagawa na. Naubos na,
" Ang magagawa na lang natin ngayon ay magpatawad at mag-share ng inspiring story. Ipakita natin na narito pa rin tayo. Hard working. Kakayod at kakayod,
Sa kanyang naranasan ay natutunan nitong mas maging mapagpatawad.
“I learned how to forgive. I’ll never take it against them (family),
" Hindi naman nila ginastos sa sugal at bisyo. Para buhayin lang talaga ang family,
" It’s just a matter of choosing wisely and prioritizing savings,
“Doon mo talaga makikita na being financial stable and having that financial freedom is really everything dito sa mundo,
" Walang hate, im happy na pinagdaanan ko ‘yun kasi feeling ko mas tumibay ako at mas naging masipag ako.”
Nag bigay din ito ng mensahe sa mga taong kapareho ng pinagdaanan niya.
“Hindi ka obligadong umintindi lagi. Hindi ka dapat laging bigger person,
" Kailangang ibigay mo rin sa sarili mo ‘yung freedom of forgiveness and peace kasi kailangan mo ‘yun. Kailangan mo ng peace. " Ani Xyriel.
Bukod ka'y Xyriel makakasama niya sa "The Last Beergin," sina Zaijian Jaranilla, JC Santos, Pepe Herrera, at Cherry Pie Picache.
Ang The Last Beer Gin ay mula sa direksiyon ni Nuel Naval, sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario, at hatid ng Cineko Productions at Obra Cinema Productions, at mapapanood na sa mga sineham nationwide sa October 1. Kaya naman sabay-sabay humugot at tumawa sa The Last Beer Gin.
Comments
Post a Comment