Dr. Nick Vera Perez pasabog ang Duo Album Philippine Tour 2026
Nasa bansa ngayon ang awardwinning at generous singer na si Dr. Nick Vera Perez para sa kanyang Philippine Promo ng kanyang albums na Unafraid (Gospel 5th) at Dancing in the Ocean (6th).
Magsisimula ang kanyang The Duo Album Philippine Tour 2026 sa Mayo 2 sa isang press conference, Mayo 3 -I-Konek Net25 , Mayo 5- D Showbiz Authority DWAN 1206 IBC 13 , Mayo 10 -United Evangelical Church at KCC Mall De Zamboanga, Mayo 15 - Letters and Music Net 25, Mayo 16- Xentro Mall Antipolo, Mayo 17- Farmers Plaza, Araneta City, Mayo 18- Charity Walk : DSWD, Mayo 19- John Lennon Show 95.5 FM - Net 25, Mayo 20- Abante with WEJ at Music Box Bar, Mayo 21- Spectroom Bar, Mayo 22- Sta Lucia East Mall, Mayo 23- Abante Showbiz Pulis at Bar 58 at sa Mayo 24 - Xentro Mall Montalban at Wrap Up Dinner.
Makakasama ni Dr. Nick Vera Perez sa kanyang 2026 tour sina Ms. Evelyn O. Francia at Ms. Hannah Shayne, habang si Miz D Antonio ang magsisilbing host.
Samantala naging matagumpay naman ang NVP1World Entertainment na ang founder ay si Dr. Nick Vera Perez sa kanilang Saltare Quatrième, ang ikaapat na taunang charitable dinner dance na ginanap noong Abril 25, 2026 sa Hilton Orrington Hotel. Isang gabi ng glamour, musika, at malasakit.
Winner at umani ng malakas na hiyawan at palakpakan ang dance showcase ni Ms. Evelyn O. Francia, kasama ang Simply Irresistible Group, Energetics (led by Edith), FAASD dancers (choreographed by Aurelia Pendon), JForce Dance Crew, at Glam Ladies na pinangungunahan ni Loida Soci.
Di naman nagpahuli at humataw din sa dance floor ang JForce sa kanilang Chicago interpretation ng “Dancing in the Ocean,” mula sa 2026 album tour ni Perez at ang TIE (Total International Entertainer) sa mga awiting “Hawak Mo Ang Beat,” “Buksan Mo,” at “Mamang Sorbetero.”
Habang wagi naman si Andrew Lagueras bilang Dancing King at Elaine Asbury bilang Dancing Queen, na tumanggap ng overnight stay sa Hilton. Star of the Night naman si Sarah Faith Alcantara at si Remy Martin ang wagi sa Best Candyland Outfit.
Ayon nga sa organizers, ang proceeds ng event ay ilalagak sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quezon City para sa medical at daily needs ng mga bata sa Mayo 18, 2026.
Inanunsyo rin sa nasabing ng NVP1World ang mga susunod nitong aktibidad kabilang ang kanilang 8th Anniversary Gala na gaganapin sa Agosto 8 sa VTD Ballroom at ito ngang The Duo Album Philippine Tour 2026.






Comments
Post a Comment