Posts

Showing posts from September, 2024

Korea's Top Models nasa Bansa para sa K-Top Season 6

Image
Nasa  bansa ngayon ang ilang Korean Top Models (International K-Top Models) para sa gaganaping K-Top Model Global Tour Festival Season 6  from Sept. 26-30, 2024. Ang International K-Top Models ay pinangunahan ni Mr Jung Yongbae (CEO/President M Entertainment Media Group Korea), Angelica Jung  at Miko Villanueva (Managing & Project Director). Lilibutin nila ang ilan sa magagandang lugar sa bansa para mag-photo shoot, mag-fashion show, at para makita na rin ang ganda ng Pilipinas. Excited na nga daw silang pasyalan ang beautiful at  breathtaking sites and beaches ng Palawan. Masaya daw silang maraming maraming Pinoy na umiidolo sa mga Koreans, maging sila daw ay may mga ini-idolo ding mga sikat na Pinoy Celebrities like Pambansang Kamao Manny Pacquaio at ang mga Korean pero Pinoy by heart na sina Sandara Park at Ryan Bang na parehong sumikat sa Pilipinas. Katulad ni Sandara at Ryan Bang gusto rin nilang makilala sa Pilipinas bilang  international mode, magkaroon ng print Ads at TV co

Cong. Sam SV Verzosa pinabulaan na babanggain si Isko Moreno sa 2025 Election

Image
        Pinabulaanan ng TV host ( Dear SV ) at Tutok To Win Partylist Representative  Sam SV Verzosa ang kumakalat na issue na babanggain niya sa darating na 2025 Elections sa pagka Alkalde ng Manila ang actor at dating Alkalde ng Manila na si Isko Moreno na sinasabing siyang pinaka mahigpit nitong makakalaban sa darating na Eleksyon. Ayon ka'y Cong. SV hindi daw totoo ang nasabing issue dahil imbes daw na pagtuunan ng pansin ang issue tungkol sa kung sino ang mahigpit niyang kalaban sa pag takbo ay mas gusto nitong tumutok na lang sa pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Kalakhang Maynila. Pareho naman daw sila ni Isko ng adhikain  ang makatulong at maiahon ang mga taga Manila sa kahirapan. Kuwento nga ni Cong. SV sa kanyang   " Driven To Heal Charity Event " kamakailan  kung saan nag benta ito ng kanyang 10  super cars na umabot ng lagpas 200 Million ang  napagbentahan  para sa magpapatayo ng kanyang  Dialysis  and Diagnostic Center sa Sampaloc Manila kung saan siya lum

Talentadong Novalan̈o magandang Proyekto ni Cong. PM Vargas para sa mga Kabataan

Image
Isang makabuluhang proyekto ang handog ng masipag na congressman ng District 5 ng Quezon City na si Cong. PM Vargas ang nakababatang kapatid ng Actor at Councilor ng District 5 ng Quezon City na si Alfred Vargas katuwang ng Freedom Records na pag aari nina Xien Baza at Duds Baza. Ito ang ' Talentadong Novalen̈o na magaganap this coming Sept. 28 , sa SM Novaliches Kung saan maglalaban-laban ang mahuhusay na  mananayaw sa " Pusong Mananayaw " ( Dance Competition ) at Puso Sa Musika ( RAPrapan 2024 ), para ipakita ang talento ng mga Novalen̈o. Ayon kay Xien " Ang Talentadong Novaleño ay isang spotlight para sa mga artists na gusto natin mabigyan ng chances na maishare hindi lang sa Novaliches kung hindi na rin sa pinakamalawak na pwedeng abutin, " " Ito rin ay Diversion Program upang maging bukas muli sa isip at puso ng mga Novaleño na magfocus sa magagandang bagay at makaiwas sa masasamang bisyo at gawain, " " Ito ay para buhayin rin ang mga local a

Kathryn, Charlie, Ken, Cedrick, Janine, John at Paulo big winners sa 26th Gawad Pasado!

Image
Last  Sept. 18, ay inanunsiyo ng mga tao sa likod ng matagumpay na Gawad Pasado ang mga nag wagi sa  26th Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) na magaganap sa Oct. 12, 7pm sa Philippine Christian University Manila ( PCU ) at mapapanood sa Facebook Page ng PASADO. Ang mga nag wagi ay ang mga sumusunod : PinakaPASADOng Pelikula ng Taon - GomBurZA (JesCorn Films, Jesuit Communications Foundation, & MediaQuest Ventures) at  Firefly (GMA Pictures)  Third World Romance (Black Sheep), PinakaPASADOng Direktor ng Taon-  Jose Lorenzo "Pepe" Diokno (GomBurZa).  Habang PinakaPASADOng Aktres sina Charlie Dizon (Third World Romance) at Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), PinakaPASADOng Aktor sina Cedrick Juan (GomBurZa) at Ken Chan  (Papa Mascot),   PinakaPASADOng Katuwang na Aktres si Dolly de Leon (A Very Good Girl) ,PinakaPASADOng Katuwang na Aktor sina  Enchong Dee (GomBurZa)  At Epy Quizon (Firefly), PinakaPASADOng Batang Aktor naman si Euwenn Mikaell Aleta, Pina

LA at Kira napakahusay sa pelikulang Maple Leaf Dreams

Image
                 Masyang -masaya ang lead actors ng inaabangang pelikulang " Maple Leaf Dreams " na sina LA Santos at Kira Baringer sa magandang feedback ng mga taong nakapanood ng kanilang pelikula sa kanilang matagumpay na premiere night na ginanap sa Gateway 2 Cineplex last Sept. 20. Ang Maple Leaf Dreans ay mula sa mahusay na direksiyon ni Benedict Mique, at sa panulat ni Hannah Cruz. Maganda ang pagkakagawa ng pelikula ni Direk Benedict Mique, mahusay sina LA at Kira na gimampanan ang role nina Macky at Molly ang magkasintahang pumunta ng Canada para sa pinapangarap na magandang buhay, pero hirap lang pala ang kanilang pagdadaanan sa nasabing Bansa. Kakakbang Kira ang mapapanood dito na mas humusay at lumalim ang pag arte, samantalang di naman matatawaran ang husay dito ng ilang ulit ng nanalong Best Supporting Actor na si LA na talaga namang madadala ka sa kanyang mga eksena. Kasama nina Kira at LA sa nasabing pelikula sina  Ricky Davao, Hannah Vito, Kanishia Santos, Be

Cong. Sam SV Verzosa namigay ng Negosyo sa 100 katao

Image
Bumaha ng luha sa labis na kasiyahan ang 100 Filipino na nabigyan ng negosyong siomai food cart na Handog Pasasalamat ni Cong. Sam SV Verzosa na ginanap sa MLQU QUARANTINE F.R Hidalgo St., Barangay 393, Quiapo, Manila. Sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kanyang top rating tv show na Dear SV na napapanood tuwing Sabado ng 11:30 am sa GMA 7 naganap ang pagbibigay ng negosyong pangkabuhayan. Kaya naman di naiwasang maiyak ng mga taong nakatanggap ng negosyong pangkabuhayan na galing ka'y Cong. Sam. Maging ang host, public servant & philanthropist ay naluha rin sa nakikita niyang kasiyahan sa mga taong nabibiyaan niya ng negosyo. Negosyo nga daw ang naisip na ibigay ni Cong. Sam dahil pang long term daw itong mapapakinabangan  depende na rin sa pagpupursigi ng mga ito na mapalago ang pang umpisang negosyong ibinigay sa kanila ni Cong. Sam. Ito rin daw ang way ni Cong. Sam para ibalik ang pasasalamat sa Diyos sa dami ng blessings na ibinibigay sa kanya, ang makatulong sa