Posts

Nadine Lustre palaban sa Uninvited

Image
Kakaibang Nadine Lustre ang mapapanood sa pelikulang " Uninvited "  kumpara sa mga pelikulang nagawa niya. Kung saan ginagampanan nito ang role ni Nicole na palaban at liberated na anak nina Aga Mulach ( Guilly ) at Mylene Dizon ( Katrina ). Bukod ka'y Nadine kakaibang Aga at Vilma (  Eva )  din ang mapapanood dito, parehong napakahusay sa kani-kanilang role na ginagampaban. Di rin nagpakabog sa aktingan ang baguhang aktor na si Ron Angeles ( Mark ) na gumaganap na boyfriend ni Nicole ( Nadine ).  Ang " Uninvited " ay entry ng Mentorque Productions ni Bryan Dy sa Direksiyon ni Dan Villegas at pinagbibidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.

VBank inilunsad ni Luis “Manong Chavit” Singson

Image
  Pinangungunahan ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson  ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, 15 Disyembre, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez, Jr., Avenue, Ugong Norte, Quezon City. Ang VBank ay meron ng 6,000 plus  cash-in outlets nationwide kasama ang Tambunting Pawnshops, Puregold, at Alfamart kaya naman mas madali ang transaksiyon kahit sa malalayong lugar. Ang VBank digital bank ay isang digital platform na makapagpapabago ng landscape ng online financial transactions sa bansa.  Katuwang ni Manong Chavit ang  comedy queen na si  Ai Ai delas Alas sa pagpo-promote ng  VBank digital bank na isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa online transactions para sa mga Filipino tungo sa pagiging financial inclusive ng bansa. Sa pamamagitan  VBank ay makakapagbukas ka na ng  bank account, mag download lang ng  VBank app at hindi na kailangang pumila pa at magpasa ng maramin...

Ahon Mahirap: Isang Adbokasiyang Grupo ng Nagnanais Mapawi ang Kahirapan sa Pamamagitan ng Katarungang Panlipunan, Karunungang Pinansyal, at Pang -ekonomiyang Pagapapaunlad

Image
  Ang " Ahon Mahirap Partylist " na isang adbokasiyang grupo, ay buong pagmamalaking inihahayag ang kanilang misyon na labanan ang kahirapan  at iangat ang buhay ng milyun-milyung Pilipino sa pamamagitan ng Komprehensibong agenda at mga programang nakatuon sa katarungang panlipunan,karunungang pinansyal, at pang ekonomiyang pagpapaunlad. Tatlong Pangunahing Inisyatiba ng Ahon Mahirap 1. Financial Literacy- Ang Financial Literacy ay isang mahalagang aspeto ng pamunuhay na dapat taglayin ng bawat mamamayan. Layunin ng prpgramang ito na turuan ang mga Pilipino ng tamang pamamahala ng kanilang pananalapi upang matiyak ang kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng mga seminar at workshop, tinutulungan namin  ang pamilya na mag budget, mag ipon, at mag invest nang maayos.  Isusulong din natin bilang legislative agenda ng maisama  ang Financial Literacy sa curriculum sa elementarya. 2. Economic Empowerment- Ang economic ay nakatuon sa pagbibigay ng sapat na oportunidad s...

Engrande ang Launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc.,

Image
    Bonggang-bongga ang red carpet grand launching ng  Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last Nov. 10 sa Activity Area nh Farmers Plaza, Araneta City, Cubao Quezon City. Hosted by Mackey Cordero, Rhenz Taclejon at John " DJ Janna Chu Chu " Fontanilla ng Barangay LSFM 97.1. Sa pangunguna ng “Artist Lounge Head and Owners” na sina  CEO: Kyle Sarmiento, COO: Melvin Agumbay at CFO & Head of Artist Talents: Aaron Khong Hun. Kung saan dito ipinakilla ang mga artists na aalagaan ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na sina Daniel Perez, Maverick Atienza,Tom Leaño, Kurt Napay, Shawn Chavez, Paolo Flores, Alyssa Marie Fullante Geronimo, Patrick Reyes, Kean Alivio, Gab Alegria, Jordan Agbuya, Art Turla at Roch Magno. Ang mga tao sa likod ng Artist Lounge MultiMedia Inc., ay sina Social Media Manager: Rich Castillo(SMM), Key Opinion Leader Manager: Chris  Bautista( KOL Manager) ,Operation Head: Charles Francisco (OH), Graphic Designer: Arjie Gabrie...

Tom Rodriguez walang balak i-deny ang 4 month old baby

Image
Hindi naging maramot at napaka generous ng kapuso actor at isa sa lead actor ng pelikulang " Huwag Mo Akong Iwan " na si Tom Rodriguez sa pagbabahagi tungkol sa kanyang four-month old baby boy ( Korben ). Ayon nga ka'y Tom sa Grand Presscon ng Huwag Mo Ko Iwan na ginanap sa Manila Hotel  last Nov. 12, na napakasarap daw sa pakiramdam na maging isang ama. At para sa mahusay na aktor ang pagkakaroon ng anak ay may malaking impact sa  kanyang personal at showbiz life. “It’s everything. It’s the very reason why I came back. “Everything I go through, iniisip ko, 'How will I want to teach him this? Paano ko ito sa kanya. "  “Everything na nangyayari sa akin, parang may filter na ganoon, ‘Lord! " “Like, hindi ‘yung ano, 'OK, how do I get through this?' No. 'What can I learn from this to be able to pass it down to him?' Mas gusto na nga daw nitong mag stay sa Amerika, pero may mga projects pa siya na dapat gawin. “So, even coming back, kasi ang sarap...