InnerVoices at Neocolours successful ang Noctos Music Bar show

BLOCKBUSTER ang katatapos na back to back show ng InnerVoices at Neocolours sa Noctos Music Music Bar sa Scout Tuazon, Quezon City last Sept. 06. Punompuno ang buong lugar ng Noctos Music Bar sa dami ng taong nais marinig ang InnerVoices na sobrang lakas ng charisma sa mga manonod, idagdag pa ang kilig na dala ng Neocolours dahil sa kanilang mga hit songs. Katulad ng kanilang mga nakalipas na shows nag enjoy ng husto sa kanilang mga awitin ang mga tao sa loob ng Noctos Music Bar. Ilan sa awiting kinanta ng InnerVoices ang Meant to Be, Take This Love, Bohemian Rhapsody, Wild Flower, Broken Wings, Idlip, Saksi ang Mga Tala, Sa Ilalim ng Buwan atbp Ang InnerVoices ay binubuo ng band vocalist nito na si Patrick Marcelino, ang founder at keyboardist na si Atty. Rey Bergado ,Rene Tecson sa guitar, Alvin Herbon sa bass, Joseph Cruz sa keyboards at Joseph Esparago sa percussion. Inawit naman ng Neocolours sa pangunguna ng band vocalist nito na si Ito Rapadas ...