Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie


Isa sa very promising at malaki ang tsansang sumikat sa mundo ng showbiz among newest artist ng Borracho Artists and Talent Management si Elle Fernandez.

Si Elle ay co-manage ng Dragon Talent Management Group na pag aari nina Bambbi Fuentes at Tine Areola.


Excited na daw si Elle sa mga proyektong gagawin niya sa produksiyon ni Atty. Ferdie Topacio ngayong taon at sa mga susunod pang taon.

At ang mag asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera at si Barbie Forteza ang naging inspirasyon nito para pasukin ang showbiz, at gusto daw nitong makasama at makatrabaho ang Tatlo sa teleserye o pelikula.


" If given a chance gusto ko pong makatrabaho either si Marian Rivera, Dingdong Dantes o Barbie Forteza, kasi sila po yung inaabangan ko simula bata pa ako, "

" Nung elementary po ako kakalabas ko pa lang ng school nagmamadali ako makauwi dahil manonood ako ng Marimar tsaka ng The Half Sisters, "



" Yung Marimar noon alas nuwebe siya ng gabi, tapos alas otso naman kinaumagahan ang pasok ko, pero okey lang dahil gusto ko talaga sila. " Ani Elle


Malaki ang posibilidad na mapasama si Elle sa tatlong naglalakihang pelikula na gagawin ng Borracho Films ngayong taon ang "  One Dinner A week" na pagbibidahan ni Edu Manzano with  madam Baby F. Go  as co- Producer ," Spring In Prague" na ang ilang eksena ay kinunan sa ibang bansa at ang  " The Life Story of a Senator ( Gringo Honasan ).




Comments

Popular posts from this blog

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "