Posts

Showing posts from February, 2024

Si JK Labajo at Sunkissed Lola ang idolo ng baguhang singer na si Mia Japson

Image
Very talented ang baguhang singer na si Mia Japson na alaga ng kaibigan naming si Audie See. Bukod sa husay nitong kumanta ay isa din itong composer, dancer at painter. Sa launching nga ng kanyang first single na " Pintig " na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno ay inawit nito ng live ang nasabing awitin, kung saan napahanga kami at iba pang taong naroroon sa ganda ng boses nito at sa husay nitong mag perform. Ilan sa mga musikero na hinahangaan ni Mia ang Sunkissed Lola, JK Labajo at marami pang iba. Very thankful daw si Mia sa kanyang very supportive parents na sina mam Lorna Tuazon at sir Jun Tuazon. Any days from now ay puwede na daw i-download ang " Pintig " sa lahat ng streaming apps, at mapapanood sa Youtube at mapapakinggan sa iba't-ibang Radio Stations ss Bansa.

Michael Sager grabe ang pagpapahalaga sa kanyang mga Fans

Image
  Grabe ang pagmamahl at importansiya na ibinibigay ng fast rising teen actor ng Kapuso Network na si Michael Sager, dahil ng celebrate ito ng kanyang 21st Birthday ay naglaan ito ng oras para makasama siya ng kanyang  loyal supporters ang " Sager Warriors ". Ang nasabing birthday celebration na ginanap sa Sikat Venue Rental sa Tomas Morato Quezon City last Feb. 16 ay inorganisa ng  Sager Warriors Admins sa pangunguna na Mar Soriano (founder), Abraham Joseph Panganiban, Jepoy Quinitip, Babski Babor,Rowel De Leon, JM Siriban, Fred Gonzaga, Kathleen Ivy Dayrit at Ian michaels. Kung saan nagkaroon ito ng 21 Roses, 21 Gifts at 21 Blue Heart , .  Sobrang na touch at nag pasalamat si Michael sa grabeng effort na ginawa ng kanyang mga supporters na ang iba ay galing pa sa probinsiya. Wish nga ni Michael sa kanyang kaarawan ang magtuloy-tuloy ang pagdating sa kanya ng magagandang proyekto, bukod sa bibida na ito sa Philippine adaptationg ng 2009 hit K-drama na  " Shining Inherit

Sandara Park gustong makasama sa proyekto si Coco Martin

Image
Nasa Bansa ngayon ang K Pop Artist na si Sandaran Park para sa promotion ng kanyang iniindorsong alak Pero sandali lang daw mamamalagi sa Bansa si Sandara dahil may mga trabaho siyang naiwan sa Korea, kaya kailangan niyang bumalik sa Korea. Nangako naman daw itong babalik sa Pilipinas dahil napag uusapan na daw nila ni Coco Martin ang posibleng pagsasama nila sa isang proyekto. Very vocal daw si Sandara sa pagsasabing matagal na niyang gustong makatrabo si Coco at sana daw ay mangyari ito sa susunod na pagbalik niya sa Bansa. Nabanggit nito na okey sa kanya na magsama-sama sila ulit at magkaroon ng reunion  ng kanyang mga ka-grupo ang 2NE1.

Winner tayo lahat dito! BAGONG PUBLIC SERVICE SHOW NA “SI MANOY ANG NINONG KO,” MAGSISIMULA NA

Image
  Ma-inspire sa mga kwento ng pag-asa, katatagan, at modern day “bayanihan” sa pinakabagong public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko” simula Linggo (March 3) on GMA. Pinangungunahan ang programa ng hosts na sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan, at  Manoy himself, dating businessman at ngayon public servant, Agri Party-list Rep. Wilbert T. Lee. Ayon kay Manoy Wilbert, tampok sa “Si Manoy ang Ninong Ko” ang mga “tunay na kwento ng ating mga  kababayan na siyang magbibigay inspirasyon sa atin para lalo tayong magsumikap, na hindi tayo mawalan ng pag-asa.” “Ano mang problema ang ating kinakaharap ay tiyak na malalampasan sa tulong ng ating komunidad at mga kapwa Pilipino na sa kaibuturan ay may malasakit para sa bawat isa.” Pagbabahagi naman ng veteran actress na si Gelli, “Iyong mga problema nila na kailangan nila ng tulong, hindi siya 'yong usual na kailangan ng pera o pagkain, ang kailangan talaga nila ay ang nakakatulong sa mga trabahong ginagawa na ni

Kiko Ipapo hindi issue kung matanda o bata ang magiging GF

Image
Hindi daw issue sa baguhang aktor na si Kiko Ipapo kung mas bata o may edad ang kanyang makakarelasyon. Tsika nga nito sa presscon ng napakagandang pelikulang  After All  " Possible po, wala namang edad sa pag ibig, " " Kahit anong edad mo, hitsura o ano man kasarian mo basta mahal mo yung tao, mamahalin mo talaga ng buong puso, "  Feeling blessed nga daw si Kiko dahil napasama sa pelikulang After All at nabigyan ng magandang role sa movie at nakatrabaho at naka eksena si Beauty Gonzales. Bukod daw kasi sa maganda si Beauty ay napakahusay nitong artista. Noong una nga daw nitong naka eksena si Beauty ay sobrang nahihiya at kabado siya , pero sobrang bait daw ng aktres at inalalayan sa bawat eksena na magkasama sila. Kasama din ni Kiko at Beauty sa After All sina Kelvin Miranda, Teejay Marquez, Devon Seron, Tart Carlos at Riana Pangindian sa direksiyon ni Adolfo B. Alix Jr., hatid ng ALV Entertainment  at mapapanood sa February 28  sa mga cinema nationwide.

An Intimate Night with Luke Mejares ngayong araw na

Image
Nasa Cebu ngayong araw Feb. 24 para sa isang bonggang-bonggang show ang awardwinning singer na si Luke Mejares entitled "  An Intimate Night with Luke Mejares " na gaganapin sa Axis Entertainment & Sports Bar - NUSTAR Cebu ng 9 p.m. Hatid ni Luke ang mga awiting swak na swak sa panlasang Pinoy, kaya naman sugod na sa Axis Entertainment  & Sports Bar, kumanta at mag enjoy sa musika ni Luke. For table reservations, dial (032) 888 8282. Walk-ins are welcome on a first come, first served basis.

Marion Aunor pinuno ang Viva Cafe sa kanyang Valentines Concert

Image
Very successful ang katatapos na Valentines Concert ng awardwinning singer & composer na si Marion Aunor na ginanap sa Viva Cafe last Feb. 14. Kung saan nakasama at naging espesyal na panauhin ang kanyang mga Wild Dream Records Artist. Post nga nito sa kanyang facebook bilang pasasalamat sa mga taong nakasama niya sa kanyang concert. " Glad I got to share the stage with my Wild Dream babiiiiieeees/children?/ artists???  They each have their own unique brand of what makes them special but what brings them together is how they’re able to inspire their listeners through their stories and music  Proud of you all! Excited to see how much more you’ll grow through the years to come  @pecado_1216 @mattywm @itsminimaldays  (Also shout out to my sissy in green @coolcatashmusic - my partner in all things music ). Sunod nitong post * Something I was really happy about from my Valentines show was being able to add a string quartet (Strings of Heart) to our band to make the songs sound rich

Mukha ni Nadine Lustre makikita sa National Museum!

Image
Ang awardwinning actress at lead actress ng Viva One series na " Road Killers " na si Nadine Lustre ang isa sa mga tampok na "mukha" ng photographer na si Jan Mayo para sa kanyang “Faces and Flora: A Philippine Native Plant Photography Exhibition. " Ang nasabing photo exhibit ay matutunghayan sa National Museum of Natural History mula February 15 hanggang May 31. Maalalang ipinanagdiriwang ngayong buwan ang National Arts Month. 

Elisse sinorpresa si McCoy sa 29th Birthday nito

Image
Nagpapasalamat ang guwapo at mahusay na aktor na si McCoy de Leon sa surprised birthday party ng kanyang partner na si  Elisse Joson. Ipinagdiwang ni McCoy ang kanyang ika-29 na  kaarawan kasama ang kanyang pamilya, mga solid fans nito at kaibigan. Kung saan na-sorpresa at touch daw ang aktor ng tanggalin ang puting piring sa kanyang mata at makita nito ang ginawang surprise birthday celebration ni Elisse. Makikita nga sa Instagram page ni Elisse ang mga larawan na namasyal muna sila ni McCoy kasama ang anak nilang si Felize sa Enchanted Kingdom bago ang naganap na party.

Award Guru Richard Hiñola simple pero naging memorable ang kaarawan

Image
    Isang simple pero memorable na birthday celebration ang naging pagdiriwang ng itinuturing na Award Guru na si Richard Hiñola na ginanap sa Hawker Chan, Gateway 2 Araneta Center Quezon City. Kasamang nag celebrate ni Richard ang kanyang mga kaibigang sina Pilar Mateo, DJ Janna Chu Chu , Leo Celestial Gelua, Demi Braque ( Nico Erle Ciriaco ) ,Dave Ocampo, Bobby Requintina , Earl Bracamonte,EJ Calucad at  Bigboy Villariza. Ilan nga sa wish ni Richard ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, magtuloy-tuloy ang pagtulong niya sa ating mga kababayan through his Charity at mas bomongga pa ang kanyang Best Magazine. " Siguro ang wish ko sa birthday ko maging healthy lang palagi, hindi magkakasakit  at mag tuloy- tuloy yung charity works ko at patuloy na maging okey ang aking Best Magazine, "   At sa darating na April 13 ay muling magbibigay ito ng parangal sa mga natatangi at deserving na Filipino sa kanyang taonang Philippine Faces of Success na gaganapin sa Teatrino Promena

Joel Cruz namigay ng worth 1 Million sa kanyang kaarawan!

Image
At dahil sa Chinese ay hindi sine-celebrate ang numbers ending "9", 19, 29, 38, kaya naman ginawang 60th Birthday  ang dapat sanay 59th Celebration ng  Lord of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany Perfume na si Joel Cruz last Feb. 5 , sabay ng ng pagseselebra ng Chinese New Year at birthday din ng SVP at co-founder ng Aficionado na si Sir Remar de Leon na ginanap sa  Chateau de Milagros alinsunod sa pangalan ng kanilang Nanay Milagros na matatagpuan sa Sampaloc. Kasamang nag celebrate ni Sir Joel ang kanyang pamilya, mga kaibigan, mga ninong at ninang ng kaniyang walong anak, mga  kapitbahay at mga empleyado na halos 400+ ang bilang ng taong dumalo at nakisaya. Habang ang perform naman ang ilan sa Pinoy World Class talents sa pangunguna ng  Manila Philharmonic Orchestra sa pamumumo ni Maestro Rodel Colmenar, ang soprnano na si Myramae Meneses na graduate ng St. Scholastica's Conservatory of Music at sa Guildhall United Kingdom, Prince of Ballad at Thuy  sa