Posts

Showing posts from April, 2024

Ysabelle Palabrica hinangaan ang husay sa concert nina Rachel, Hajji at Gino!

Image
Matagumpay ang katatapos na major OPM concert,  " Noon at Ngayon ", sa New Frontier theater sa Cubao, QC noong Abril 21 nina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, at Gino Padilla, kung saan naging espesyal na panauhin ang newest recording artist na si Ysabelle Palabrica. At isa sa nga pinag usapan ng gabing iyon at talaga namang pinalakpakan ay ang performance ng 15 years old na si Ysabella , kung saan inawit nito ang kanyang first single na " Kaba "  na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at unang inawit ni Tootsie Guevarra. Kitang-kita ngang pinaghandaan nitong maigi ang kanyang performance ng gabing iyon with back up dancers na sobrang naibigan ng mga taong nanood ng nasabing konsiyerto. Post nga nito sa kanyang facebook page ( Ysabelle Palabrica ). " My 1st ever concert at New frontier Theater in Araneta, Quezon City will always be memorable to me. " " I met all these  stars that represented their generations from 70's Mr. Hajji Alejand

G!LU perfect movie ngayong Summer !

Image
Very timely  ngayong summer ang pagpapalabas ng barkada film na G!LU na hatid ng AlV Films, Benchingko Films at Rein Entertainment, mula sa panulat at direksiyon ni Philip King ng Rein Entertainment. Ang G!LU ay pinagbibidahan nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko Estrada, Enzo Pineda, at Ruru Madrid. Ang istorya ng G!LU ay tungkol sa adventure and mis-adventure  ng anim na miyembro ng VBC (Valley Boys Club) na sina David, Derrick, Teejay, Kiko, Enzo Pineda, at Ruru na bata pa lang ay magkakabarkada na at sobrang close sa isa't-isa. Kung saan sa last seven days ng summer at kanilang pagsasama ay ang last seven days din na puwede silang maging wild and free bago maghiwalay-hiwalay sa napakagandang beach sa La Union. Bawat miyembro ng Valley Boys Club ay may kanya-kanyang kuwentong paniguradong maraming mga kabataan at manonood ang makaka-relate at mapupulot na aral. Kumpletos rekados ang G!LU, may aksiyon, drama na may mga eksenang mIiyak ka at  romance, kung

Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng kauna-unahang Humanity Award

Image
Nag uumapaw sa kasiyahan at di naiwasang maiyak ng celebrity businesswoman & philanthropist na si Madam Cecille Bravo ng tangapin ang kanyang  " Humanity Award ", ang pinaka-mataas na award na iginawad sa 5th Philippine Faces of Success 2024, 1st Philippine Trending Brand 2024 at 1st Philippine Fashion Pillars Award 2024 na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan Metro Manila kamakailan. Hindi daw inakala ni Madam Cecille na igagawad sa kanya ang kauna-unahang Humanity Award, na ayon sa founder and President ng  5th Philippine Faces of Success 2024, 1st Philippine Trending Brand 2024 at 1st Philippine Fashion Pillars Award 2024 na si Richard HiƱola na ibinibigay nila ang nasabing award sa isang individual na buong pusong tumutulong at bukas ang palad sa mga taong nangangailangan ng tulong katulad ni Madam Cecille Bravo. Masaya din si Madam Cecille, dahil bukod sa kanya ay tumanggap din ng award ang  kanilang kumpanya ni Sir Pete Bravo ang Intele Builders and De

Paghuhubad ni James Reid inaabangan ng netizens

Image
Kinagiliwan ng publiko ang naging pahayag mg actor na si James Reid na dahil sa sobrang init ng panahon ay mas gusto nitong nakahubad na lang buong araw, para maibsan ang init na kanyang nararamdaman. Tsika nga nito sa tanong kung ano kanyang mga summer must-haves ay ito ang sinagot ni James. "For summer, I don't like wearing clothes at all,"  Nag bigay din ito ng payo sa mga kalalakihan na gustong maging cool kahi't pawisan dagil sa sobrang init.  "Just be yourself."  Abangers ang netizens sa paghuhubad ni James at pagpapakita ng abs sa social media lalo ngayong talaga namang super hot hot summer.

Patricia Javier at Doc. Rob Walcher masaya sa 10th year Anniversary ng Doc Rob Chiropractic Wellness Clinic

Image
Nag celebrate ng kanilang 10th year anniversary ang  Doc Rob Chiropractic Wellness Clinic na pag aari ng mag asawang Doc Rob Walcher at Actress & Beauty Queen Patricia Javier na ginanap sa Windmills & Rainforest, scout borromeo street, scout triangle Quezon City last April 19, 2024. Kung saan nagsilbing host si Atorni Ton at naging espesyal na panauhin naman ang awardwinning actress na si Ara mina  at ang mahusay na singer na si Malu Barry. Kasabay ng selebrasyon ng kanilang 10th year anniversary ang selebrasyon naman ng 50th Birthday ni Doc. Rob. Ayon nga ka'y Patrcia, hindi ganun kadali ang kanilang pinagdaanan bago nila naabot ang 10 years ng kanilang negosyo, lalo na't may mga taong walang ginawa kung hindi i-bashed si Doc Rob sa loob ng walong taon. At kahi't nga below the belt na ang mga  paninirang ginagawa sa kanila ay mas pinili na lang ni Patricia at ni Doc Rob na wag ng patulan ang nasabing basher, at mag focus na lang sa kanilang  negosyo na  may six bra

Mia Japson dream come true na makasama sa concert sina Haji, Rachel at Gino

Image
Dream come true para sa baguhang singer na si Mia Japson ang makasama sa concert ang mga legendary singers na sina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Gino Padilla atbp.entitled " Awit ng Panahon Noon at Ngayon  Musical Concert " . Kung saan gaganapin ang nasabing concert sa  April 21, 7pm sa New Frontier Theater, Cubao Quezon City. Ayon ka'y  Mia " Nakakakaba po kasi i'm performing sa stage po and super excited dahil mga sikat, kilala at nirerespetomg singer sa music industry makakasama namin sa concert, " " Bale kasama ko yung mga ka-grupo ko ang Krazy X na magpe-perform kasama si Ysabelle Magno Palabrica na kalo-launch lang ng kanyang debut single na Kaba, " " Kakantahin ko din sa concert yung first single ko, yung Pintig, " Bukod nga sa nasabing concert at sa pagpo-promote ng kanyang first single ay abala din si Mia sa kanilang Youtube show kasama ang Krazy X. .

Belle Mariano gustong maka-collab ni Ysabelle Palabrica

Image
Ang Kapamilya singer & actress na si Belle Mariano ang idolo ng very promising artist at alaga ng kaibigan naming si Audie See na si Ysabelle Palabrica.  Sa Presscon and media launch ng debut song ni Ysabelle na " Kaba " na unang pinasikat ni Tootsie Guevarra ay sinabi nito na bukod sa pagkanta ay gusto din nitong mag artista at ang Star Magic Artist na si Belle ang gusto nitong  maka-collab pagdating sa kantahan at  makasama sa teleserye o pelikula. Ang " Kaba " ay mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at iri-release ng Vehnee Saturno Music at available na sa lahat ng digital streaming app., youtube, Tiktok atbp. Very thankful daw si Ysabelle ka'y maestro Vhenee dahil sa kanyang ipinagkatiwala na i-revive ang hit song ni Tootsie na " Kaba " , nagpapasalamat din ito sa kanyang mga magulang na sina Bingawan Ilo Ilo Mayor Mark Palabrica at Jean Magno-Palabrica sa 100% support sa kanyang pag pasok sa showbiz. At sa darating na  April 21 ay mag