Posts

Kauna-unahang First Transmillion FTM gender transformation mag uuwi ng 1 Million

Image
  Kaabang-abang ang kauna- unahang TRANSMILLION!  FTM gender transformation competition sa buong mundo na gaganapin sa March 7, 6pm sa Lust Night Club QC. Mag uuwi ng tumataginting na 1 Million ang hihiranging kauna-unahang winner sa Transmillion FTM gender transformation competition. Kung saan magiging espesyal na panauhin ang stunning ambassador ng SB Clinic na si Sachzna Laparan. With  Aian Lazaro, Nick Escalderon, Justin Contemprato, Wilbert Tolentino, Apple Ola, SSam Coloso at John Paul Pareja.  At maki-party kina DJ Hanj Mallen, Lovezy, Janny Medina, at Mayel Sancho. Panoorin ang matinding Live acts nina Budalyn, Vogue Star Dancers, Lust Champagne girls, atbp. Hosted by Sephy Francisco  At Con Con Felix. Kaya naman manood, mag enjoy at manalo ng amazing raffle prizes, like three winners ng non surgical nose lift at ang grand prize na Rhinoplasty ( SB Dream Nose ). Ang TRANSMILLION!  FTM gender transformation ay hatid ng  TTALKS at SB CLINIC .

Beauty Queen Marianne Bermundo gustong sundan ang yapak ni Sarah Geronimo

Image
  Pansamantalang iiwan ng 2023 Miss Teen Culture World International na si Marianne Bermundo ang mundo ng Pageant at magpo-focus muna sa Showbiz. Ayon nga ka'y Marianne sa nakalipas na presscon ng kauna-unahang concert ng Cloud 7 ang  Nasa Cloud 7 ako heartbeats for a cause, kung saan kasama ito at si Yancy De Vera na susubukan muna niya ang kanyang luck sa showbiz at pag nasa tamang edad na siya ay  tsaka niya babalikan ang mundo ng  Pageant. Isa nga sa iniidolo ni Marianne ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na bukod daw sa mahusay kumanta ay napakahusay ding sumayaw at umarte kaya naman ang yapak nito ang gusto niyang sundan. At sa concert nga ng Cloud 7 ay ipapakita ni Marianne ang kanyang talent sa singing at dancing at  isa nga daw sa dapat abangan sa concert  ang  production number nito with Cloud 7. Ang Nasa Cloud 7 ako a Heartbeats for a cause ay hatid ng Best Magazine ng kaibigang Richard Hin̈ola at gaganapin sa Feb. 28 sa Music Museum.

Buffalo Kids mapapanood na sa Pilipinas simula Pebrero 12

Image
Handog ng Nathan Studios ang kapanapanabik at heartwarming na paglalakbay ng pagkakaibigan at pamilya. MULI nanamang gumawa ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang pina-unang Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas. Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t-ibang genres — mapa-aksyon, comedi, drama, at marami pang iba — sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa Buffalo Kids. Aligned ito sa misyon ng studio sa pagawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films. Sa direksyon ni Gabo Galdochi at sa ilalim ng produksyon ni Pedro Solis, ang Buffalo Kids ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo.   Tampok sa Buffalo Kids sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen G...

Gela Atayde nami-miss na ang pag arte

Image
Ang pag arte daw ang sobrang namimiss gawin ngayon ng  New Gen Dance Champion na si  Gela Atayde na bukod sa husay sa pag sayaw at pag arte ay sumabak na rin sa hosting via " Time To Dance " na    ABS-CBN Studios  at  Nathan Studios Inc.  With   Robi Domingo.  Ang pinakabagong  dance contest ng ABS CBN  na ang hihiranging grand champion ay dadaan sa  mahuhusay na mananayaw sa Bansa na sina coach Vimi Rivera, Ken San Jose kasama ang ilan pang celebrity guest na di matatawaran ang galing sa dance floor. Ayon nga ka'y Gela “Dancing will always be closer to my heart kasi doon po ako nagsimula, kung bakit I am what I am now.  “Pero first love ko sa totoo lang is acting. Bata palang po ako ay nanonood na talaga ako ng mga teleserye. " " Laking kusina po ako actually with the yaya's, sila po ang nag-exposed sa akin sa mga teleserye. " " Lumaki po akong nagkukunwaring kapatid ko si Santino, at nagkukunwari ring kaibigan si Agua Be...

Mga bagong opisyal ng PMPC Star Awards 2025, inihalal na

Image
TINANGHAL na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards sa taong 2025 si Mell Navarro ng Tempo, PEP, Manila Bulletin, Pinoy Entertainment Guide (FB) matapos ang idinaos na taunang halalan kahapon ng hapon sa tanggapan ng PMPC sa QC. Si Fernan "Ms. F" de Guzman naman ng Saksi, Wow It's Showbiz Blog, IBC-13 DWAN 1206 AM "Eto Pala Ang Latest (E.P.A.l) ang  bagong bise-presidente ng samahan. Si Jimi Escala ang 'waging Secretary (Police Files Tonite, People's Balita, Remate, Remate Online, Kabayan, X-Files at Balita Online; Assistant Secretary-Mildred Bacud (Marisol Academy/Tonite Host, DWAR 1494 Abante Radyo, Showbiz Unlimited Fence Online; Treasurer-Boy Romero (Police Files Tonite, Balitang KLik Online, Showbiz Round-Up PH Blog; Assistant Treasurer-John Fontanilla (Hataw, Showbitz, Showbizzz Blog, Barangay LSFM 97.1 (Host); Auditor-Rodel Fernando (Showbiz Republika (Editor), Abante TNT, Marisol Academy (Host); PRO for English-Eric Borromeo (Pinoy ...

Nadine Lustre palaban sa Uninvited

Image
Kakaibang Nadine Lustre ang mapapanood sa pelikulang " Uninvited "  kumpara sa mga pelikulang nagawa niya. Kung saan ginagampanan nito ang role ni Nicole na palaban at liberated na anak nina Aga Mulach ( Guilly ) at Mylene Dizon ( Katrina ). Bukod ka'y Nadine kakaibang Aga at Vilma (  Eva )  din ang mapapanood dito, parehong napakahusay sa kani-kanilang role na ginagampaban. Di rin nagpakabog sa aktingan ang baguhang aktor na si Ron Angeles ( Mark ) na gumaganap na boyfriend ni Nicole ( Nadine ).  Ang " Uninvited " ay entry ng Mentorque Productions ni Bryan Dy sa Direksiyon ni Dan Villegas at pinagbibidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre.

VBank inilunsad ni Luis “Manong Chavit” Singson

Image
  Pinangungunahan ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson  ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, 15 Disyembre, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez, Jr., Avenue, Ugong Norte, Quezon City. Ang VBank ay meron ng 6,000 plus  cash-in outlets nationwide kasama ang Tambunting Pawnshops, Puregold, at Alfamart kaya naman mas madali ang transaksiyon kahit sa malalayong lugar. Ang VBank digital bank ay isang digital platform na makapagpapabago ng landscape ng online financial transactions sa bansa.  Katuwang ni Manong Chavit ang  comedy queen na si  Ai Ai delas Alas sa pagpo-promote ng  VBank digital bank na isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa online transactions para sa mga Filipino tungo sa pagiging financial inclusive ng bansa. Sa pamamagitan  VBank ay makakapagbukas ka na ng  bank account, mag download lang ng  VBank app at hindi na kailangang pumila pa at magpasa ng maramin...