Posts

Showing posts from September, 2023

GMA named Media Network of the Year by the Philippine Association of National Advertisers

Image
Broadcast giant GMA Network, Inc. was honored as Media Network of the Year at the prestigious PANAta Awards of the Philippine Association of National Advertisers (PANA) last September 22, 2023. As the top Philippine media conglomerate, GMA is also known for its strategic marketing and advocacy campaigns. From edutainment series to seamless integration of brands in programs, the Kapuso Network has been the advertisers' preferred one-stop shop for customized multiplatform projects. “We are humbled to receive the inaugural Media Network of the Year award from the Philippine Association of National Advertisers. Part of our vision is to be the advertisers’ preferred partner, so this recognition means so much to us. This is a testament to our innovative and collaborative programs, forged alongside incredible brands and industry partners. Thank you PANA for honoring GMA’s work with this prestigious award.  We look forward to building more high-impact partnerships that enrich the lives of

Gabby Concepcion at David Licauco bibida sa show na Star Studded 50th Birthday Charity Show Oh! M Genesis !

Image
Isang napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigan naming si Genesis Gallios na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Sept. 30, 2023 na may titulong " Star Studded 50th Birthday Charity Show  Oh!  M Genesis! sa direksiyon ni Andrew D Real. Ilan sa malalaking bituin magpe- perform sa kaarawan ni Genesis sina Gabby Concepcion, Dulce, David Licauco, Derrick Monasterio, Jona Viray, Katrina Velarde, Kelvin Miranda, Tekla,  Jessica Villarubin at Lyka Estrella.  Makakasama din sina Ima Castro, Sephy Francisco, Frankendal Fabros, Breezy Boys, Gents Squad, Pink Mannequins, Inamei, RHM Models at Femme MNL. Bukod sa mga bigating celebrities ay kaabang-abang  sa Birthday Charity Show ang pasavogue at espesyal na performance ng celebrant na si Genesis. Ang "  Star Studded 50th Birthday Charity Show  Oh!  M Genesis! " ay for the benefit of  Recepction and Study Center for  Children, Home for the  Golden Gays at Verlanie Foundation.

Alfred Vargas huminto sa paninigarilyo para sa malusog na pangangatawan at para sa kanyang Pamilya

Image
Para sa malusog na pangangatawan at para sa kanyang pamya ay tumigil sa paninigarilyo ang Actor and Public Servant na si Konsehal Alfred. Taong 2003 ng August ay sinimulan na daw nito ang pag hinto sa pagyoyosi  at mula noon, hindi na siya nagtangka pang bumalik sa kanyang bisyo. Ibinahagi rin niya ito sa kanyang X account (dating Twitter) na hindi naging madali ang mga unang buwan ng pagtigil sa paninigarilyo. "It’s my 20th year free from it! For me, going cold turkey and holding the line is the best way to quit. "I remember 3 months of hell during withdrawal. But here I am today, 2 decades after, still fighting the fight everyday. Ayus naman. Kaya!"  "I was in HS when I first tried. Nadala ako sa peer pressure. Coming of age time. Nagbibinata and trying to discover things. Start ng mga gimik, soiree and barkadahan,” panimulang kuwento ng award-winning actor at movie producer. "I’ve always wanted to quit from the start. Hindi ko lang napansin na naging habit k

Erin Ocampo handa ng makipag sabayan sa paghuhubad sa pelikula

Image
After 14 years sa showbiz ay napapayag na ring magpa sexy sa pelikula ang lead actress ng pelikulang The Last Resort na hatid ng Goblin Films na si Erin Ocampo. Kuwento nga ni Erin na marami ng nag aalok sa kanya na magpa sexy sa pelikula, pero lahat ay kanyang tinanggihan nito. Pero ng alukin daw ito ng Goblin Films at mabasa nito ang script ng The Last  Resort ay nagandahan ito sa story at agad-agad na umoo ito na gagawin ang nasabing movie.  “Pagdating po sa pagpapa-sexy, this is my first time doing sexy talaga. I’ve been in the industry for 14 years already. " " This is the first time I’m doing kissing scene,love scene. For me, ibinigay ko po lahat. I gave my all,” " Actually wala po talaga akong plano ( na magpa-sexy). I’m not into that, " " Marunong naman akong kumanta,sumayaw, gumagawa ako ng funny movies, nagda-drama ako. Pero nu’ng nabasa ko ‘yung script (The Last Resort), napa-oh ako. Sabi ko, gusto ko siyang gawin. Actually,nu’ng sinasabi pa lang sa

Engrande ang selebrasyon ng 71st Birthday ni Don Pedro Bravo at Wedding Anniversary nila ni Madam Cecille Bravo

Image
Napaka- engrande ng naganap na selebrasyon ng  71st Birthday ni Don Pedro " Pete "Bravo na may temang James Bond in Casino Royale  at 16th Wedding Anniversary nila ni Madam Cecille Bravo na ginanap sa Gallery MiraNila by the Blue Leaf  Quezon City last Sept. 23, 2023. Kung saan isa sa naging espesyal na panauhin  si Erik Santos na inawit ang paboritong awitin ni Don Pedro ka'y Madam  Cecille na " Hangang " na original song ni Wency Cornejo at inawit din nito ang kanyang signature song na " This is the Moment " . Ilan pa sa nagpaningning sa bonggang double celebration sina Kitkat ( Host & Comediane ), Jamilla Obispo ( PBB & Vivax ),Sugar Mercado ( ex Sexbomb ), Ima Castro ( Ms Saigon ),Sephy Francisco ( Transdual Diva ), Jovan Dela Cruz ( Singer & Designer ) Klinton Start ( Supremo ng Dance Floor ), Jopper Ril ( singer & composer )  LA Familia Band (  Jun & Jay ) ,Emerald Dancers, Showboys Dancers at Bravos Angels Dancers. Habang nag

Member ng grupong UPGRADE na si Miggy San Pablo pinasok na rin ang Pulitika

Image
  Mula sa pagiging miyembro ng sumikat na boyband sa Bansa ang " Upgrade " ay pinasok na rin ng isa sa miyembro nito na si Miguel " Miggy " San Pablo ang Pulitika, kung saan tumatakbo itong Konsehal ng Baranggay sa kanilang lugar sa Malhacan, Meycauayan Bulacan. Ayon nga ka'y Miggy " Kaya ko po pinasok ang Pulitika dahil na rin sa kinagisnan ko sa aking pamilya, kung saan ang aking ama po ay Kapitan ng aming barangay at Kagawad naman ang akong nakakatandang kapatid, tsaka masasabi ko din na isa yun sa pangarap ko ang mag lingkod sa mga tao, " Kinalakihan ko na din po kasi na kasa-kasama ng ama at kapatid ko pagdating sa pagtulong sa tao, nakita ko yung pagmamahal nila sa aming ka-Barangay na gusto ko ding gawin kaya ako tumakbo, " " Although tumutulong-tulong na rin ako sa mga kababayan namin sa abot ng aking makakaya, pero iba kasi pag naka puwesto ka mas maraming tao ang puwede mong matulungan, " Ang kanyang amang si Kap Delfin "