Posts

Showing posts from July, 2023

Celebrity Businessman Raul Barbosa tumanggap ng award sa ibang Bansa

Image
Masayang-masaya ang celebrity businessman na si Sir  Raoul Barbosa sa bagong karangalang kanyang natanggap mula sa  " 33rd Asia Pacific Awards Thailand 2023 bilang Outstanding Businessman and Philanthropist of the year Personal na bumiyahe ito papuntang Thailand para personal na tanggapin ang kanyang award kasama si Jeffrey Dizon at ang kanyang mga Bestfriends na sina Madam Cecille Bravo na isa ding awardee kasama ang kanyang kids na sina Maricris at Miguel Bravo at inang si Mamita Hazel Tria, Raymund Saul,  Cristina Saldana Williams at ang CEO  & President ng Frontrow na si Raymond RS Francisco, Meggy Baitan Bactung atbp. Nagpapasalamat si Sir Raoul sa mga tao sa likod ng 33rd Asia Pacific Exellence Awards Thailand 2023 sa karangalang ibinigay sa kanya. " Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong bumubuo ng 33rd Asia Pacific Excellence Award sa parangal na ibinigay nila sa akin, " " Masarap sa pakiramdam na nabigyang pansin yung ginawa mo, mas mai inspire ka para

Sis. Noime Pahilanga excited sa 24 Anibersaryo ng kanyang radio program sa DZXl at sa birthday ng anak na si Pastor Eduard Pahilanga ll

Image
Ang 38th PMPC Star Awards for Movies Best Actress na si Sunshine Dizon ang bet ni Sister Noime Pahilanga ng JCF ( Jesus Crist Fellowship ) at isang radio anchor sa RMN  DZXL 558 Manila na gumanap bilang siya if ever na maisasapelikula o maisasa-telebisyon ang kanyang buhay. Maalalang ilang dekada na ring healer at nagdi discern si Sis. Noime at marami na rin itong napagaling. Ayon ka"y Sis. Noime  kasama ang kanyang anak na si Pastor Eduard ll ng makausap namin kaugnay sa nalalapit na 24 years ng kanyang radio program sa RMN DZXL 558 Manila na gaganapin sa July 30 sa JCF sa 5th Floor ng  Victory Mall,Munomento Caloocan City.   " Siguro kung ma isasa-pelikula ang buhay ko, ang gusto kong gumanap bilang ako ay si Sunshine Dizon, " " Si Sunshine kasi napakahusay umarte, bukod sa parehas kaming maputi at malapit sa diyos, " Habang si Christopher De leon naman daw ang gusto niyang gumanap sa yumao niyang asawa na former head ng JCF na si Pastor Edward at si Piolo Pa

Celebrity Businesswoman Cecille Bravo at ang kanilang kumpanya ( INTELE ) ginawaran ng award sa 33rd Asia Excellence Awards Thailand 2023

Image
Bumiyahe papuntang Bangkok  Thailand ang celebrity Businesswoman na si Madam Cecille Bravo para personal na tanggapin ang Parangal na iginawad ng 33rd Asia Pacific Excellence Awards Thailsnd 2023 sa kanya bilang Excellence in Business and Professional at sa kanilang kumpanya ( Intele Builders and Development Corporation bilang " Best Telecommunications Service Provider. Labis-labis ang pasasalamat ni Madam Cecille sa mga tao sa likod ng 33rd Asia Pacific Excellence Awards Thailand 2023 sa parangal na iginawad sa kanya at sa kanilang kumpanya. Hindi na nga pang Pilipinas ang awards na nakukuha ni Madam Cecille at ng Intelle Builders and Development Corporation,dahil maging sa Asya ay kinikilala na ang husay nito at ng kanilang kumpanya. Kasamang bumiyahe ni Madam Cecille sa Bangkok Thailand ang kanyang very supportive mom, Kids and Bestfriends na si Mamita Hazel Tria ( Mother ), Maricris Bravo and Miguel Bravo ( Kids ), Raoul Barbosa with Jeffrey Dizon, Cristina Saldana Williams an

Ria Atayde nagpaka-daring sa Nag Aapoy Na Damdamin

Image
  Matured at super daring na Ria Atayde ang mapapanood sa panghapong serye na hatid  ng ABS-CBN at mapapanood sa TV5, ang Nag-Aapoy na Damdamin, kung saan makakasama nito sina JC de Vera, Tony Labrusca, at Jane Oineza. Tsika nga ni Ria "I think this is the most matured role that I’ve done and I think that’s a difficult experience. And It’s nice to work with people you’re comfortable with and I’m grateful that Toni (Labrusca) is my leading man for this one and our directors are gracious enough to guide us thru every delicate and intimate scene. “So I guess that’s really the challenge kasi nga as a wholesome tayo,” Dagdag pa nito “Ibang-iba po talaga and ready na po talaga ako for matured roles 4 for now.” Ang kuwento ng Nag-Aapoy na Damdamin ay tungkol sa matinding tunggalian nina Philip (JC) at Lucas (Tony), mga kasinungalingan na magdadamay sa mga babae sa kanilang buhay na sina Olivia/ Claire (Jane) at Melinda (Ria), at paghihinganti na isinumpa ni Philip sa pagkamatay ng kanyan

Sunshine Dizon ayaw sana munang tumanggap ng acting project!

Image
Wala daw sanang balak tumanggap ng acting project ang Reyna ng Afternoon Prime at awardwinning actress na si Sunshine Dizon, dahil mas gusto muna nitong mag focus sa kanyang mga negosyo. Pero ng mabasa niya ang script ng Pira-Pirasong Paraiso at malaman niya ang kanyang role na gagampanan ay na in love daw siya sa script at sa kanyang role kaya naman kinausap niya ang kanyang manager at tatanggapin niya daw ang nasabing project. Masaya nga daw si Sunshine na makabalik sa afternoon prime, kung saan siya nagri Reyna noong nasa Kapuso Network pa siya. Kakaibang role daw ang kanyang ginagampanan sa Pira-Pirasong Paraiso, kumpara sa mga roles na nagawa n a niya, kaya naman daw super excited siya sa proyektong ito. Ang Pira-Pirasong Paraiso " ay mula sa direksiyon nina Raymund B. Ocampo at Roderick Lindayag sa ilalim ng produksiyon  ng Dreamscape Entertainment. Kung saan makakasama ni Sunshine sa nasabing serye sina Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Charlie Dizon, Elisse Joson, KD Estrada, R

OOTD ( Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon ) nina Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala hatid ang maiinit na balita sa Showbiz at Pulitika

Image
  May bagong tambalan ang aabangan ang mga Pinoy na mahilig sa maiinit na balitang showbiz at pulitika, at ito ang tambalang Jobert Sucaldito at direk Chaps Manansala ng Hiraya Theater Production sa kanilang show na  OOTD, (Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon) na mapapanood sa Jobert at Chaps Youtube Channel. Maalalang may mga episodes na silang nagawa sa kanilang youtube channel at masaya sila sa magandang feedback ng mga metizens sa kanilang mga naunang episodes. Kuwento nga ni Nanay Jobert ng makausap namin sa presscon ng Hiraya Theater Production and OOTD na ginanap sa Music Box sa Timog Quezon City  " Maganda naman ang feedback in fairness. Kasi ang mga nagko-comment most of them ha, may mga tao rin namang ayaw din sa akin, pero wala akong pakialam sa kanila, " " Basta ako I want to deliver lahat ng tsismis o kung ano ang totoo. Kilala n’yo naman ako kung ano ang gusto kong sabihin, sasabihin ko talaga. " "At very, very happy ako with the partnership w

Charo Santos-Concio, Sunshine Dizon, Vince Tañada big winners sa 38th Star Awards for Movies

Image
Maningning at matagumpay ang 38th Star Awards for Movies ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) na ginanap nitong Linggo, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel. Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para ihatid ang modern Filipiniana theme ng naturang awards night. Kaya naman nakatutuwang pagmasdan ang pagrampa sa red carpet ng celebrities at guests suot ang kanilang magarbong barong at Filipiniana gowns sa pangunguna ng hosts ng gabi ng parangal na nagwagi rin ng special awards - Claudine Barretto (Female Star of the Night), Sunshine Cruz (Face of the Night), Alfred Vargas (Darling of the Press), at Christian Bautista (Male Star of the Night). Marami sa mga nagwagi ang naging emosyonal at hindi napigilang mapaiyak sa pagtanggap ng kanilang award gaya na lang ni Sunshine Dizon na itinanghal na Movie Actress of the Year para sa pelikulang "Versus." Naka-tie ni Sunshine sa a

QUINN CARRILLO NOMINADONG NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR

Image
Masaya si Quinn Carrillo na nominado  siya sa 38th PMPC Star Awards for Movies bilang New Movie Actress  of the Year para sa pelikulang “Silab.”   Gaganapin  ito bukas, July 16  sa Centennial Hall, Manila Hotel.  Malayo na ang narating ni Quinn  simula sa ‘Silab’ dahil  nagbida na siya sa pelikulang ‘Biyak’ . Nasundan  pa  ito sa  movie na ‘Litrato’  with Ai Ai delas Alas na palabas sa July 26. “Thank you so much PMPC for nominating me.Sobrang laking honor  na ma-nominate po.Manalo o matalo okey na po sa akin na mabigyan niyo ako ng recognition happy na po ako doon,” bulalas niya nang makatsikahan siya sa presscon ng ‘Litrato.’ Kung mananalo siya ihahandog  niya ang  kanyang tropeyo sa pamilya niya. Lagi raw silang nandiyan para suportahan ang gusto niyang gawin. Sila raw ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang career.