Posts

Showing posts from May, 2023

TVJ’s OFFICIAL STATEMENT

Image
“Pumasok  po kaming Lahat  ngayong araw para magtrabaho pero hindi po kami pinayagang ng new management na umere ng live  July 30, 1979 po, nang simulan namin ang Eat Bulaga, 44 years na po ito ngayong taon. Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin- ang RPN 9 for 9 years, ABS CBN for 6 years at ang GMA for 28 years.   Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala at sumuporta sa amin, Ganoon din sa inyo mga dabarkads-sa mga  manonood-sa inyong pagmamahal sa programang naging bahagi ng inyong tanghalian.   Lubos din ang aming pasasalamat kay Mr. Tony Tuviera sa pagkakaibigan at pagiging bahagi ng aming pamilya, at higit sa lahat sa panginoong diyos na kahit kailan hindi niya kami pinabayaan. Hindi na po namin iisa isahin pa ang laman ng aming puso. Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho ng mapayapa, walang inaagrabyado, at may respeto sa bawat isa. Simula ngayong araw, May 31,2023 kami po ay nagpapaalam na sa Tape Incorporated. Karang

Korean Superstar na si Lee Seung Gi gagawa ng kanta para sa kanyang mga Filipino fans

Image
  Dumating sa Bansa ang Korean Superstar na si Lee Seung Gi para makipag meeting sa Business Magnate na si Gov. Chavit Singson  para sa proyektong gagawin nito sa Bansa.   Si Lee Seung-gi ang lead star sa mga hit Korean series na “Vagabond”, “A Korean Odyssey,” “My Girlfriend is a Gumiho,” “Mouse”, “The King 2 Hearts” atbp. Kung saan bukod sa pagiging magaling na actor ay isa rin itong singer-performer sa South Korea with successful concerts at soldout album. Ilan nga sa kanyang mga chart-breaking songs ay ang “Delete,” “Losing My Mind,” “Will You Marry Me,” at ang kanyang debut single na “Because You’re My Woman,” composed by South Korean singer-songwriter-record producer na si Psy. Kilala rin kasi si Seung-gi bilang  philanthropist dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa mga disabled at kapus-palad na mga bata. Sa mini-presscon nga nito na ginanap sa Platinum Skies Aviation Hangar last  May 26,sinabi nito na pag uusapan pa nila ni Gov. Chavit ang proyektong kanyang gagawin sa Bansa.  

Suot na gown ni Elijah sa Santacruzan hinangaan

Image
Dinumog ang  Kapuso Prime Teen Artist at Star ng GMA Teleserye na  Underage na si Elijah Alejo sa Grand Santacruzan na ginanap sa Baranggay Lati, Orion Bataan last May 08. Kung saan hinangaan ang  napakagandang gown na na suot ni Elijah na gawa ng sikat na designer na si Marbin Garcia ng Marbin Garcia Collections. Habang nag silbing escort naman nito ang Pinoy International artist na si Teejay Marquez. Ang nasabing engrandeng Santacruzan ay hatid nina Hermana Mayora Ma Cecilia Bravo at Don Pedro Bravo katulong ang masipag na Kapitan ng Baranggay Lati na si Kap. Jesselton Manaid at Mayor Antonio  Raymundo Jr.

Joshua Garcia thankful sa GMA, ABS CBN at Viu sa pagkakasama sa Unbreak My Heart!

Image
Very thankful daw ang mahusay at awardwinning actor na si Joshua Garcia dahila nakasama siya sa  unang collaboration ng ABS-CBN at GMA 7 para sa isang teleserye ng VIU, ang Unbreak My Heart kasama sina  Jodi Sta Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap.  At isa nga sa katrabaho nito sa nasabing serye ang kapuso artist na si Gabbi Garcia, kung saan natong ito kung kamag-anak nito ang aktres dahil pareho sila ng apelyido. Ayon nga kay Joshua "Hindi, kasi Lopez talaga ang apelyido niya. Ang weird naman kung Gabriela Lopez ang gagamitin niya.  Kaya Gabbi Garcia na lang daw ang ginamit nya,"  Natanong din ito tungkol sa pagkakaiba ng  kissing scene nila ni Jodi at ni  Gabbi sa series. "Magkaiba ‘yung atake sa dalawa. With Jodi mas passionate, mas mabagal at mas ramdam, " "With Gabbi naman,  passionate din naman pero ‘yung tugma naman sa edad namin pero may diin ng kaunti," Sinagot din nito ang tanong sa kung ano ba ang  reaksiyon nito sa balitang tumawag si Gabbi kay

Wilbert Tolentino sinorpresa ng The SB Clinic

Image
Nasorpresa ang  Businessman, Influencer at Talent Manager na si Wilbert Tolentino sa surprised Birthday Celebration na hatid nina Doc John Paul Pareja, Twinkle Pareja at Ms Angie Pareja ng The SB Clinic na ginanap sa Luxent Hotel, Timog Quezon City  kamakailan. Ang akala ni Sir Wilbert ay magsa sign lang siya ng contract at pictorial bilang endorser ng The SB Clinic, pero, pero may sorpresang selebrasyon  at mini program na labis na ikinabigla ni Sir Wilbert. Ilan sa nag   performed sa surprised  birthday celebration ni Sir Wilbert sina Poppert Bernadas, Klinton Start, Jopper Ril, La Familia Band  at Ms Ima Castro. Hosted by It's Showtime co-host Sam Coloso. Present din ang dalawang alaga nito na parehong endorser ng The SB Clinic na sina Herlene " Hipon " Budol at Madam Inutz at isa pang endorser ng The SB Clinic na si Sachzna Laparan at ang kanyang mahal na mahal na anak na si Willard King Tolentino. Naging espesyal din ang selebrasyon nito sa pag dalo nina Mam Cecille

Ima at Lloyd dinumog ang konsiyerto

Image
Punom-puno ng di mabilang na tao ang katatapos na konsiyerto ng dalawa sa pinaka mahusay na mang aawit sa bansa na sina former Miss Saigon Ima Castro at LLoyd Umali entitled " Timeless, LLoyld Umali and Ima Castro Live Music ". Ginanap ang nasabing konsiyerto last May 19, sa Amrak Music Hall na matatagpuan sa 40 Eugenio Drive, Diliman South Triangle Quezon City. Inawit nina  Ima at LLoyd ang ilan sa kanilang mga pinasaikat na awitin kasama na ang kanilang duet song na "  Nanliligaw, Naliligaw " na talaga namang hiniyawan, pinalakpakan at sinabayan ng mga taong naroroon. Present at full support ang buong  Ka-  Fam Family sa konsiyerto nina Ima at Lloyd sa pangunguna ni Madam Cecille Bravo with Mamita, Miguel, Christian Tria and Family, Raoul Barbosa, Jeffrey Dizon,Dj Janna Chu Chu, Benjamin Montenegro, Erlinda Sanchez, Raymund Saul, Nino Angeles, Atty. Liz and Conrado Besas,Jovan Dela Cruz, Wize Estabillo, Klinton Start, Ralston Segundo, Jopper Ril, Jun and Jay, Then

Merly Peregrino sinagot ang mga paratang ng dating alaga

Image
Nadamay ang aktres na si Keanna Reeves sa isyu ng pamangkin ni Loyd Samartino na si Clark Samartino sa businesswoman talent manager at founder ng Abot Kamay Charities na si Merly Peregnio. Kung saan sinagot isa isa ni Mommy Merly ang mga rebelasyon ng kanyang dating alagang si Clark Samartino kung bakit ito umalis sa kanyang poder. Ayon kay Mommy Merly yung  patungkol sa sinasabi ni Clark na nasakal siya at nawalan na ng sariling desisyon para sa kanyang sarili ' Eto ha! unang una hindi ko siya kialala, may nagpakilala lang sa akin na gusto daw patulong sa akin, nag chat siya sa akin at sabi ko kung gusto mong mag patulong sa akin pumunta ka ng May 14, tandang tanda ko dahil pumunta di Sachzna ( Laparan ) at Jerome ( Ponce ) sa bahay at dumating siya at nagpakilala siya, " " Ang kuwento niya sa akin, sana daw natulungan ko siya sa pangarap niyang naudlot, kaya tanong ko sa kanya baki? sabi niya unang- una ang dami niya daw naging manager pinagsamantalahan lang daw siya at

Joshua at Jodi pinuri sa husay sa Unbreak My Heart!

Image
Pinuri ng nakapanood ng Unbreak My Heart Celebrity Watch Party ang husay sa pag ganap ng awardwinning actors na sina Joshua Garcia at Jodi Sta Maria. Bawat eksena ng dalawa ay pinapalakpakan ng mga mga tao sa loob ng sineha. At ng matapos nga ang palabas ay marami ang nag congratulate sa dalawa na lutang na lutang ang husay sa pag ganap sa kani-kanilang role na ginampanan. Maituturing na starstudded ang nasabing Unbreak My Heart Celebrity Watch Party sa pagdalo ng mga Kapuso stars kaysa Kapamilya stars na ginanap sa Trinoma nitong nakaraang araw. Ilan sa dumalo sina Coco Martin, Alden Richards, Andrea Brillantes, Julia Montes, John Arcilla, Darren Espanto, Jake Ejercito, Angel Aquino, Alexa Ilacad, Nikki Valdez, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Romenick Sarmenta, Victor Neri, Ashley Ortega, Dominic Roque, Abed Green, Sanya Lopez,Elijah Allejo, Kalad Karen, Betong Sumaya, Julio Diaz, Herlene Budol, Will Ashley atbp.     Ito ang kauna-unahang  collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu streaming a

Rhian Ramos ipinagtanggol si Michelle Dee sa mga bashers!

Image
Rumesbak ang  Kapuso Star na si Rhian Ramos sa mga taong nam-bash at nagsasabing hindi deserving ang kanyang kaibigang si Michelle Dee na manalong Miss Universe Philippines 2023. Kung saan sa kanyang instagram @whianwamos  ay sinabi nito na nakita niya ang naging sakripisyo ni Michelle para manalo at makuha ang titulong Miss Universe Philippines. "I saw first hand the sacrifices you've made and the countless hours of hard work and self improvement. You've grown so much in such a short amount of time,"  Dagdag pa nito "transformational" at "the universe ain't never seen one like you." "I just couldn't be happier for you knowing that destiny came for you this year, " Bukod kay Rhian nanalangin din para manalo si Michelle ang iba pa niyang kaibigan na sina Max Collins at Janina Manipol. "@maxcollinsofficial, @janinamanipol and I prayed for you before the show. We prayed with all our hearts that His will for you be done in your l

Clark Samartino na depress, na stress at na trauma sa dating manager

Image
Trauma, Stress at Depression daw ang inabot na pamangkin ng aktor na si Loyd Samartino na si Clark Samartino sa kanyang dating manager. Ayon sa aktor akala daw niya at mapapabuti ang kanyang career sa pag lipat niya manager, pero mas worst pa raw ang kanyang nalipatan, halos kinontrol na daw nito ang kanyang buhay. Maraming relasyon daw ang nasira at naapektuhan sa sobrang makikialaam sa kanyang personal na buhay, nag hiwalay daw sila ng kanyang girlfriend dahil ipinagbabawal ito ng kanyang manager, inilayo siya nito sa kanyang mga anak at maging sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Ni di nga daw nito magawang lumabas mag isa dahil hindi siya pinapayagan, kaya feeling niya nung mga sandaling iyon ay daig pa niya ang nakakulong. Kaya naman dito na daw nag simulang ma depress siya, ma stress at ma trauma. At maging ang bayad daw na ipinangako sa kanya ng kanyang dating manager at hindi binigay sa kanya, maging ang mga ipinangako nito ng kunin siya ay walang natupad. Matagal na daw niyang

Concert ni Bruno Mars sa Philippine Arena dinagdagan ng isang araw

Image
Kasunod ng matagumpay na 120,000-strong Summer Blast 2023 crowd attendance, ang two-day concert naman ni Filipino-American multiple Grammy winner Bruno Mars ang inaabangang event sa Philippine Arena. Sa kabila nga ng ga-higanteng 55,000 capacity ng world's largest indoor arena, kinailangan pang magdagdag ng isang araw ng concert para makapanood ang mas maraming tagahanga ng international singer. Ang naunang inianunsyo na June 24 concert ay masusundan kaagad ng isa pa, sa June 25, dahil na rin sa 'overwhelming demand' para sa tickets. Ganyan karami ang Pinoy fans na nagmamahal sa Fil-Am singer. Proud naman si Bruno Mars sa kaniyang Filipino roots. Puerto Rican ang kaniyang ama at Pinay naman ang kaniyang ina bagaman isinilang siya sa Hawaii. Sa isang interview noon, sinabi nitong chicken adobo ang paborito niyang pagkaing Pinoy. Matatandaan namang nagpadala ito ng $100,000 na tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda pagkatapos ng 2014 concert nito sa Pilipinas. Nakilala si B

Wilbert Tolentino may hiling sa kanyang 48th Birthday

Image
  Starstudded ang katatapos na 48th Birthday Celebration ng Philanthropist, Talent manager, Influencer at successful businessman na si Wilbert Tolentino na ginanap sa Palacio de Manila nu’ng May 18, 2023. Ilan sa nakita naming dumalo sa engrandeng selebrasyon ng kaarawan ni Ka-freshness Wilbert sina  Ima Castro, Herlene Nicole Budol, Flow-G, Matricamae Centino, Kristine T. Ibardolaza,Skusta Clee, Whamos cruz, Christian Antolin,Sheryn Regis,Dj Janna Chu Chu ng barangay LsFm, Ogie Diaz, Negi, Derick Monasterio, Sachzna Laparan, Myrus, Madam Inutz, Wize Estabillo, Klinton Start atbp. Nakapukaw ng atensiyon sa mga dumalo ang napakagandang kasuotan ni Wilbert na ayon dito ay may temang futuristic. Inakala nga ng marami na Voltes V inspired ang kasuotan ni Wildres na mariin naman nitong pinabulaanan. “Hindi naman talaga plan na maging Voltes V inspired pero nagustuhan ko ang design kaya ito ang una kong sinuot bilang birthday ko naman ngayon. May mga changes pa akong gagawin kaya pakiabangan

Buhay ni Dindo Caraig pang Magpakailanman!

Image
     Pang Magpakailanman ang buhay ng singer na si Dindo Caraig na mula probinsiya ay lumuwas ito ng manila na walang kakilala o kamag anak  para makipagsapalaran bitbit ang lakas ng loob. At ng nasa Manila ay iba't ibang trabaho ang pinasok nito mula sa pagiging boy, pag aalaga ng bata, namasukan sa SPA, nag extra sa telebisyon at pelikula atbp. At kahit mahirap daw ang naranasang buhay sa Manila ay hindi sumuko si Dindo hangang makilala nito ang Businesswoman, Talent Manager at founder ng Team Abot Kamay  Foundation na si Mommy Merly Peregrino at inalok siyang pag aaralin  at patitirahin sa kanilang tahanan. Ayon nga ka'y Dindo sa kanyang contract signing bilang recording artist na ginanap sa Gerrys Grill, Panay ave. Quezon City Kamakailan " Grabe! Araw-araw, gabi-gabi, tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyayari ito sa akin, 'yung mga magagandang nangyayari sa akin ngayon. Dati, ang gusto ko lang ay mag-focus sa pag-arte, pero ngayon, isa na rin akong singer,&q

Direk Fifth hinatak-hatak sa dibdib ang isang teen actress para makaarte!

Image
May isang eksena daw sa kanyang nagawang pelikula ang batam-batang direktor na si Fifth Solomon na hinding-hindi niya makakalimutan at ito daw ang kanyang sikreto para mapa arte ang mga artistang bopol umarte. Kuwento nga ni Direk Fifth na may isang insidente na may naka trabaho siyang teen star na talaga namang di marunong umarte, at kahit anong gawing effort na umarte ay wala talaga. At kahit paulit-ulit na nilang ginagawa ang kinukunang eksena ay hindi pa rin ito makuha ng teen star,kaya naman bumaba daw sa stage si Direk at hinawakan ang damit sa dibdib ng teen star at hinahatakhatak para makaarte. After nga daw itong gawin ni Direk Fifth sa Teen Star ay himalayang naka arte ito at mabilis na natapos ang kinukunang eksena. Hindi naman daw issue para kay Direk Fifth kung hindi marunong  umarte ang isang artista , as long as nakikinig ito at nagkukusang matuto ay willing siyang makipag trabaho dito.