Netizens nagalingan ka'y Arnold Reyes sa Akusada!
PURING-PURI ng netizens ang awardwinning actor na si Arnold Reyes sa husay nitong pag ganap sa hit serye ng GMA 7 na Akusada, kung saan ginagampanan nito ang role ni Dennis na bestfriend ni Wildred na ginagampanan ng aktor na si Benjamin Alves. Katunayan ay trending nga sa social media ang episode sa Akusada kung saan nalaman na ni Wilfred na si Dennis ang totoong pumatay sa kanyang unang asawa na si Joi, ang karakter na ginagampanan ni Max Collins. Kung sabagay talaga namang mahusay na artista si Arnold at patunay dito ang mga awards na nakuha nito sa iba't ibang award giving bodies dahil sa husay nitong pag ganap sa mga roles na ginampanan nito sa telebisyon at pelikula. Ang Akusada ay pinagbibidahan ng Kapuso actress na si Andrea Torres with Lianne Valentin, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Ronnie Liang, Ahron Villena, Shyr Valdez, Jeniffer Maravilla, at marami pang iba. Kaya naman huwag palampasin ang nal...