Thirdy Sarmiento gustong sundan ang yapak ni Joshua Garcia
BUKOD SA PAGIGING singer at model ay pangarap din ng 18 years old at tubong Marikina City na si Thirdy Sarmiento ( member ng Ppop Group na ONEVERSE ) na mag artista at sundan ang yapak ng paborito niyang aktor na si Joshua Garcia.
Ayon nga ka'y Thirdy bata pa siya ay pangarap na niya na maging artista at makita ang kanyang sarili na umaarte sa teleserye o sa pelikula, katulad ng kanyang paboritong artista na si Joshua Garcia.
Ayon nga ka'y Thirdy " Sa lalaki po ang paborito ko si Joshua Garcia, na-inspired po talaga ako sakanya nung pinapanood ko yung mga movies niya especially po yung roles niya, napakahusay niyang umarte, natural na natural,
Bukod ka'y Joshua ay paborito din nito si Kathryn Bernardo na paborito din ng kanyang ina.
" Sa babae naman po idol ko si Kathryn ( Bernardo ) , since bata pa po ako palagi ko po napapanood si Kathryn sa mga TV show niya with my mom and since idol po siya ng mom ko, since then, i've always watched her movies po,
" Hopefully if ever na mabibigyan ako ng pagkakataon na mag artista, sana makasama ko sila at makatrabaho kahit sa pelikula o teleserye,
At kung mabibigyan daw ito ng proyekto ay mas gusto niya ang mag drama like Joshua Garcia " Mas gusto ko po makilala sa drama katulad ng idol kong si Joshua ( Garcia ), pero gusto ko rin naman subukan ang comedy at action,
Nagpapasalamat daw ito ka'y Lord sa mga blessings na dumadating sa kanya at sa mga taong laging nandyan para sumuporta sa kanya.
" Nagpapasalamat po ako ka'y Lord sa mga blessings na binibigay niya sa akin at nagpapasalamat din ako sa mga tao na patuloy na sumusuporta sa akin, "
Sa ngayon daw ay busy si Thirdy sa mga shows kasama ang kanyang grupo ( One Verse ) at sa pagiging print and commercial model.





Comments
Post a Comment