Posts

Showing posts from January, 2026

Batang Paco’ — diretso na sa big screen! MiVida Productions, nagluto ng bayaning hinubog ng pagmamahal

Image
Ngayong Pebrero, tuluyan nang nasa spotlight ang “Batang Paco” dala ang isang matapang na pangako: isang pelikulang Pinoy na tumatama sa puso, totoo sa emosyon, at muling nagpapaalala kung bakit mahalaga pa rin ang mga kuwentong umiikot sa pagmamahal. Pinagbibidahan ni Empoy Marquez, ang paparating na family comedy film ay mabilis na nagiging usap-usapan bilang isa sa pinaka-inaabangang local releases sa unang quarter ng 2026. Produced ng MiVida Productions, Inc., ang “Batang Paco” ang kauna-unahang handog ng kompanya — at maituturing na kanilang statement piece. Ipinapakilala ng pelikula ang isang bagong production outfit na hindi takot maghalo ng genres, emosyon, at enerhiya, na lahat ay nakasentro sa isang makapangyarihang ideya: kayang gawing extra­ordinaryo ng pagmamahal ang kahit pinaka-ordinaryong tao. Sa puso ng kuwento ay si Paco — isang mahiyain at tahimik na tattoo artist na kailanman ay hindi inisip ang sarili bilang bayani, hanggang sa dumating ang pagkakataong wala na siy...