Kiko Ipapo hindi issue kung matanda o bata ang magiging GF



Hindi daw issue sa baguhang aktor na si Kiko Ipapo kung mas bata o may edad ang kanyang makakarelasyon.

Tsika nga nito sa presscon ng napakagandang pelikulang  After All  " Possible po, wala namang edad sa pag ibig, "


" Kahit anong edad mo, hitsura o ano man kasarian mo basta mahal mo yung tao, mamahalin mo talaga ng buong puso, " 

Feeling blessed nga daw si Kiko dahil napasama sa pelikulang After All at nabigyan ng magandang role sa movie at nakatrabaho at naka eksena si Beauty Gonzales.



Bukod daw kasi sa maganda si Beauty ay napakahusay nitong artista. Noong una nga daw nitong naka eksena si Beauty ay sobrang nahihiya at kabado siya , pero sobrang bait daw ng aktres at inalalayan sa bawat eksena na magkasama sila.


Kasama din ni Kiko at Beauty sa After All sina Kelvin Miranda, Teejay Marquez, Devon Seron, Tart Carlos at Riana Pangindian sa direksiyon ni Adolfo B. Alix Jr., hatid ng ALV Entertainment  at mapapanood sa February 28  sa mga cinema nationwide.






Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "