Claudine, Mariel Rodriguez, Alfred , at Christian handa nang mag-host sa 38th Star Awards for Movies sa July 16 sa Manila Hotel



Abala na ang The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) sa paghahanda para sa 38th Star Awards for  Movies na gaganapin sa araw ng Linggo, July 16, 2023 sa Manila Hotel.

Magsisilbing hosts ng awards night sina Claudine Barretto, Mariel Rodriguez-Padilla, Quezon City Councilor Alfred Vargas, at Christian Bautista. Si Frank Lloyd Mamaril ang direktor ng gabi ng parangal.

Nakipag-sanib-pwersa ngayong taon ang PMPC sa Gutierez Celebrities & Media Production na pinamumunuan ni MJ Gutierez para sa paghahatid ng modern Filipiniana theme ng naturang awards night.

Masayang winelcome ang Gutierez Celebrities & Media Production ng PMPC sa pangunguna ng kasalukuyang Pangulo nito na si Fernan De Guzman.

"Gusto naming magpasalamat sa aming bagong producer na si MJ ng Gutierez Celebrities & Media Production sa tiwala na ibinibigay mo sa PMPC. Sana ay maging maayos ang ating awards night para sa 38th Star Awards for Movies," pahayag ni Pangulong De Guzman.

May mensahe rin si Gutierez para sa officers at members ng PMPC.

"Nagpapasalamat din po ako sa pag-welcome niyo sa akin at sa buong team namin. Kahit bago pa lang kami, maraming salamat sa trust na ibinibigay niyo sa amin. Hindi biro itong Star Awards na ito kasi talagang pinag-uusapan. 

"Salamat at kami ay naging parte nito, nagtiwala kayo sa amin. Thank you so much po. And asahan niyo po na ibibigay namin ang something different para tumatak ang partnership natin para sa 38th Star Awards for Movies," ani Gutierez.

Ang awards night ay pamumunan ni Pangulong De Guzman bilang overall chairman kasama ang 2023 PMPC officers at board of directors. Ang kasalukuyang Vice President na si Mell Navarro ang tumatayong chairman ng 38th Star Awards for Movies katuwang ang PMPC Asst. Treasurer na si Lourdes Fabian bilang co-chairman.

Pangungunahan ng dalawang industry icons ang mga pararangalan ngayong taon - ang veteran actress na si Helen Gamboa para sa Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, at award-winning master director na si Chito Roño para sa Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement 

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "