Cong. Arjo Atayde at pamilya namanhikan na kina Maine Mendooza




Present ang buong pamilya Atayde  na namanhikan kila Maine Mendoza.

Sa naging post nga ng awardwinning actress na si Ms Sylvia Sanchez ina ni QC Distict 1  Cong.  Arjo Atayde  sa kanyang social media account, present ang lahat ng kanilang pamilya gayundin ang mga pinsan, lolo’t lola ni Arjo. 

Mapapanood nga sa pinost na video ni Ms Sylvia ang pagpunta ng kanilang pamilya sa bahay nina Maine na tinatawag na “Casa Mendoza.”


Post ni Ms Sylvia habang naka private plane “Off to a very important destination, @mainedcm @arjoatayde.” May hashtag na #casamendoza, #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, #happiness, at #thankuLORD.
 
Kung saan mapapanood sa video ang papasok sa isang kalye ng mga nakahilerang SUVs na nilagyan ni Sylvia ng caption na, “The Very Important destination (heart emoji).”


Kung saan sinabi ni Ms Sylvia sa video  na “Andito lahat ng kotse ng Atayde.”

Nasa video rin si Maine habang lumalabas sa kanilang bahay at lumapit sa sinasakyan nina Arjo at ng kanyang pamilya.

Agad na pagbati ni Sylvia, “Menggay,” na pagtukoy kay Maine. “Nakarating na rin kami sa wakas. Bababa na ako at magkikita 
na tayo riyan.” 

Waland nasabi o naibahagi sa kanyang mga post si Ms Sylvia kung kailan ang kasal pero marami ang humuhula na baka ngayong buwan ng Hulyo magaganap ang bongga at malaking kasalan ni Cong. Arjo at Maine.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "