Gio Cabanlit gustong makatrabho sina John loyd at Bea Alonzo




Guwapo, matangkad at artistahin ang
Pambato ng Pinoy Community sa Dubai sa 2023 Mister International Philippines 2023 na si Gio Cabanlit na nagta trabaho sa Dubai at umuwi pa ng Bansa para sa nasabing prestigious male pageant.

Ayon kay Gio " Currently Im working in Dubai as a sports trainer kaya Filipino Community sa Dubai po yung nirepresent ko this time , "

Ang isa daw sa rason ni Gio kaya sumasali siya ng pageant at para mag bigay inspirasyon sa katulad niyang Pinoy OFW. " The reason that i join male pageant is to inspire my fellow ofw that despite of our busy schedule we can always do what we love the most, "


" But I think the main reason is because I felt that this could be my last hurrah and this will be the fulfilment of dreams previous managers and handlers as well as mine, "

Ang advocacy daw nito ay ang ARK ( act of random kindness ). Ang Advocacy ko po is make an ARK (act of random kindness).

Habang ang edge daw nito sa iba para tanghaling 2023 Mister International Philippines ay yung dami ng experience niya sa pag sali sa male pageant. " I think and edge ko sa mga kapwa ko candidates ay yung experience ko, sa dami na rin na sinalihan ko na pageant, and i think this time mas handang-handa na ako, "

Bukod nga sa pag sali sa pageant ay pangarap din ni Gio na mag artista.

" Kung may offer po kukunin ko po talaga.Kasi matagal na rin naman nagusto kong mag artista di lang nabibigyan ng chance, "



If ever nga na mabigigyan siya ng pagkakataong makapasok sa showbiz ay ang mga idolo niyang sina John Loyd Cruz at Bea Alonzo ang dream niyang makatrabaho.

" Paborito ko po at napakalaki ng  paghanga ko kina John Lloyd Cruz saka Bea Alonzo, pareha kasi silang magaling umarte. " Pagtatapos ni Gio.




Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "