Jos Garcia may sarili ng Billboard



Sobrang saya ng international at
Awardwinning singer na si Jos Garcia dahil labas na ang mga billboard nito ng kanyang iniindorsong produkto ang Cleaning Mama's ng Natasha.

Maaalalang kamakailan ay bumiyahe pabalik ng Pilipinas si Ms Jos para pumirma ng kontrata at mag pictorial sa Cleaning Mama's at bumalik kaagad ng Japan para sa kanyang shows doon.


Kaya naman ng makarating sa kanya ang kanyang Billboard ay sobrang saya ni Ms Jos " Sobrang nakakataba ng puso na mabigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng Billboard ng produktong ini-endorse mo, "

" Kaya nagpapasalamat ako sa may ari ng Cleaning Mama's at sa Natasha sa tiwala na kunin akong endorser ng kanilang produkto, "

" Last year nilibot namin ang Pilipinas para i promote ang Cleaning Mama's, ngayon naman labas na yung billboard ko,"


" Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil alam ko na siya ang dahilan kung bakit maraming blessings na dumadating sa akin, "

Si Ms Jos din ang umawit ng theme song pelikulang The Revelation na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, Vin Abrenica at Ana Jalandoni, sa direksiyon ni Ray An Dulay at hatid ng Hand Held Productions ni Ms Kate Javier at House of Prime Films.


Excited na rin daw bumalik muli ng Pilipinas si Ms Jos para makita ng personal ang kanyang Billboard at para mag promote na rin ng kanyang bagong kanta.



Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "