Celebrity Businessman Raul Barbosa tumanggap ng award sa ibang Bansa



Masayang-masaya ang celebrity businessman na si Sir  Raoul Barbosa sa bagong karangalang kanyang natanggap mula sa  " 33rd Asia Pacific Awards Thailand 2023 bilang Outstanding Businessman and Philanthropist of the year

Personal na bumiyahe ito papuntang Thailand para personal na tanggapin ang kanyang award kasama si Jeffrey Dizon at ang kanyang mga Bestfriends na sina Madam Cecille Bravo na isa ding awardee kasama ang kanyang kids na sina Maricris at Miguel Bravo at inang si Mamita Hazel Tria, Raymund Saul, 
Cristina Saldana Williams at ang CEO  & President ng Frontrow na si Raymond RS Francisco, Meggy Baitan Bactung atbp.



Nagpapasalamat si Sir Raoul sa mga tao sa likod ng 33rd Asia Pacific Exellence Awards Thailand 2023 sa karangalang ibinigay sa kanya.

" Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong bumubuo ng 33rd Asia Pacific Excellence Award sa parangal na ibinigay nila sa akin, "

" Masarap sa pakiramdam na nabigyang pansin yung ginawa mo, mas mai inspire ka para mas pagbutihan pa ang trabaho mo, "


Habang nasa Thailand ay ginawa na ring bisitahin ni Sir Raoul at ng kanyang mga kasama ang mga magagandang lugar sa nasabing bansa.

Bukod sa pagtanggap ng award ay sinamantala na rin ng grupo nina Madam Cecille na bisitahin ang magagandang lugar sa Thailand.


Ang 33rd Asia Pacific  Excellence ( Thailand ) Awards 2023 ay ginana0 last July 27, sa Montien Riverside  Hotel  Bangkok, Thailand kasabay ang coronation night ng Miss Tourism Queen Worldwide 2023.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "