OOTD ( Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon ) nina Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala hatid ang maiinit na balita sa Showbiz at Pulitika

 

May bagong tambalan ang aabangan ang mga Pinoy na mahilig sa maiinit na balitang showbiz at pulitika, at ito ang tambalang Jobert Sucaldito at direk Chaps Manansala ng Hiraya Theater Production sa kanilang show na  OOTD, (Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon) na mapapanood sa Jobert at Chaps Youtube Channel.

Maalalang may mga episodes na silang nagawa sa kanilang youtube channel at masaya sila sa magandang feedback ng mga metizens sa kanilang mga naunang episodes.

Kuwento nga ni Nanay Jobert ng makausap namin sa presscon ng Hiraya Theater Production and OOTD na ginanap sa Music Box sa Timog Quezon City  " Maganda naman ang feedback in fairness. Kasi ang mga nagko-comment most of them ha, may mga tao rin namang ayaw din sa akin, pero wala akong pakialam sa kanila, "


" Basta ako I want to deliver lahat ng tsismis o kung ano ang totoo. Kilala n’yo naman ako kung ano ang gusto kong sabihin, sasabihin ko talaga. "

"At very, very happy ako with the partnership with direk Chaps because napakatalino niya at marunong siyang magbalanse sa akin. "

"Parang naalala ko dati parang kami ni Papa Ahwel Paz, pinababayaan niya ako, tapos binabalanse lang nila ako. "

“At hindi kami nag-aaway sa mga opinyon namin. Kanya-kanya kami. Ganoon naman talaga dapat,”

Ayon naman ka'y Direk Chaps " Bago naman kami nag-umpisa sinabi ko kay Nanay na, ‘maaaring may mga opinyon ka na hindi pasok sa akin pero let me stop about it para mabalanse lang. "


"May mga bagay na maaaring pareho kami ng opinyon pero gusto kong marinig ng iba ‘yung kung ano ‘yung nariring sa iba. "

"Mahilig kasi akong makipagkuwentuhan. Bilang writer po, mahilig akong makipagkuwentuhan sa tao. "

"At kapag ang tao narinig niya iyong sinabi niya, parang nakare-relate agad sila at nagugustuhan ka na nila. Maniniwala na siya sa iyo,” 

Dagdag pa nito  “Batikan na po si Nanay Jobert sa larangan ng hosting at hindi siya madamot, binibigyan niya ako ng chance para marinig at makinig kaya ang ganda ng balitaktakan namin at sharing of thoughts.”


Papuri naman ni Nanay Jobert ka'y Direk Chaps "I’m just so blessed kasi my partner kasi is very matalino. "

"Ang hirap kasing makipag-co-host kung bobo ang kabalitaktakan mo. Mahirap. Hindi mo alam kung saan pupunta. Kahit naman kasi matagal na ako sa larangan ng hosting o pagraradyo there are so many things I want to learn pa rin. "

"And I’m learning a lot from him. Pinakikinggan ko siya dahil ang gaganda ng idea niya,” 


Ilan nga sa nga sa gusto nilang ma- interview sa OOTD sina Boy Abunda, Cristy Fermin at  Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos  Jr.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "