Sis. Noime Pahilanga excited sa 24 Anibersaryo ng kanyang radio program sa DZXl at sa birthday ng anak na si Pastor Eduard Pahilanga ll


Ang 38th PMPC Star Awards for Movies Best Actress na si Sunshine Dizon ang bet ni Sister Noime Pahilanga ng JCF ( Jesus Crist Fellowship ) at isang radio anchor sa RMN  DZXL 558 Manila na gumanap bilang siya if ever na maisasapelikula o maisasa-telebisyon ang kanyang buhay.

Maalalang ilang dekada na ring healer at nagdi discern si Sis. Noime at marami na rin itong napagaling.

Ayon ka"y Sis. Noime  kasama ang kanyang anak na si Pastor Eduard ll ng makausap namin kaugnay sa nalalapit na 24 years ng kanyang radio program sa RMN DZXL 558 Manila na gaganapin sa July 30 sa JCF sa 5th Floor ng  Victory Mall,Munomento Caloocan City.


  " Siguro kung ma isasa-pelikula ang buhay ko, ang gusto kong gumanap bilang ako ay si Sunshine Dizon, "

" Si Sunshine kasi napakahusay umarte, bukod sa parehas kaming maputi at malapit sa diyos, "

Habang si Christopher De leon naman daw ang gusto niyang gumanap sa yumao niyang asawa na former head ng JCF na si Pastor Edward at si Piolo Pascual naman ang gaganap bilang anak nito na si Pastor Eduard II na siyang Head ngayon ng JCF.


" Si Christopher De Leon naman yung gusto kong gumanap sa yumao kong asawa, isa din sa napakahusay na aktor sa bansa, "  Ani Sis. Noime.

Ayon naman kay Pastor Eduard II " If may gaganap na ako sa life story ni Mommy, ang gusto ko si Piolo Pascual, mahusay na artista at isa ring maka- Diyos.


At sa darating ngang July 30 ay ipagdiriwang ng programa sa radio ni Sis. Noime ang engrandeng Ika- 24 nitong anibersaryo nito kasabay ang kaarawan ni Pastor Eduard II,  kung saan buong araw daw ang magiging selebrasyon at maraming mga celebrities at politician ang dadalo para makisaya.

Kuwento nga ni Pastor Eduard II " To God Be The Glory pa rin, marami pong  pupunta sa ibat-ibang lokal ng Iglesia, mula Luzon, Visaya's at Mindanao, 


" At marami pong miyembro ang tutulong para mas mapa unlad ang ministry,"

" We have lots of visitors, guest and sponsors para po sa ating church and also we are promoting our " Payong Kapatid Ministry ", 

Ano po ba ang Payong Kapatid Ministry?


"  Ang Payong Kapatid Radio  Ministry ay  sa Jesus Crist Fellowship IGM, kasi nga nasa radio tayo sa DZXL with radioman Jenny Pahilanga, more on ito sa evangelism, makatulong sa healing ministry and pagpapaunlad ng mga negosyo, " Ani Sis. Noime.

Excited na daw sina Sis. Noime at Pastor Eduard II sa gaganaping anibersaryo sa July 30 sa dami ng sorpresang mangyayari sa araw na iyon 




Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "