Sunshine Dizon ayaw sana munang tumanggap ng acting project!


Wala daw sanang balak tumanggap ng acting project ang Reyna ng Afternoon Prime at awardwinning actress na si Sunshine Dizon, dahil mas gusto muna nitong mag focus sa kanyang mga negosyo.

Pero ng mabasa niya ang script ng Pira-Pirasong Paraiso at malaman niya ang kanyang role na gagampanan ay na in love daw siya sa script at sa kanyang role kaya naman kinausap niya ang kanyang manager at tatanggapin niya daw ang nasabing project.

Masaya nga daw si Sunshine na makabalik sa afternoon prime, kung saan siya nagri Reyna noong nasa Kapuso Network pa siya.


Kakaibang role daw ang kanyang ginagampanan sa Pira-Pirasong Paraiso, kumpara sa mga roles na nagawa n
a niya, kaya naman daw super excited siya sa proyektong ito.

Ang Pira-Pirasong Paraiso " ay mula sa direksiyon nina Raymund B. Ocampo at Roderick Lindayag sa ilalim ng produksiyon  ng Dreamscape Entertainment.


Kung saan makakasama ni Sunshine sa nasabing serye sina Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Charlie Dizon, Elisse Joson, KD Estrada, Ronnie Alonte, Joseph Marco, Markus Patterson , Epy Quizon, Art Acuña, at may special participation din si Snooky Serna.

Mapanood simula sa July 25 (  Martes ) 3pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live. TV5, A2Z at iWantTFC sa Direksiyon nina Raymund B. Ocampo at Roderick P. Lindayag.



Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "