Erin Ocampo handa ng makipag sabayan sa paghuhubad sa pelikula



After 14 years sa showbiz ay napapayag na ring magpa sexy sa pelikula ang lead actress ng pelikulang The Last Resort na hatid ng Goblin Films na si Erin Ocampo.

Kuwento nga ni Erin na marami ng nag aalok sa kanya na magpa sexy sa pelikula, pero lahat ay kanyang tinanggihan nito. Pero ng alukin daw ito ng Goblin Films at mabasa nito ang script ng The Last  Resort ay nagandahan ito sa story at agad-agad na umoo ito na gagawin ang nasabing movie.


 “Pagdating po sa pagpapa-sexy, this is my first time doing sexy talaga. I’ve been in the industry for 14 years already. "

" This is the first time I’m doing kissing scene,love scene. For me, ibinigay ko po lahat. I gave my all,”

" Actually wala po talaga akong plano ( na magpa-sexy). I’m not into that, "

" Marunong naman akong kumanta,sumayaw, gumagawa ako ng funny movies, nagda-drama ako. Pero nu’ng nabasa ko ‘yung script (The Last Resort), napa-oh ako. Sabi ko, gusto ko siyang gawin. Actually,nu’ng sinasabi pa lang sa akin yung story, sabi ko na agad, ‘tara gawin na natin. "


Makakasama ni Erin sa movie sina Oliver Aquino, Paolo Paraiso, Rolando Inocencio,
Chloe Garcia, Mia Alvarrz, Czarina Chong, Rico Monzon and Ann Pomer, sa direksiyon ni Jay Altarejo, executive producers Richard Perez and Dave Lao, hatid ng Goblin Films at mapapanood sa Sept. 26, 2023.


Kasabay ng mediacon ng " The Last Resort " ang launching ng Goblin- the hottest and naughtiest streaming platform sa bansa.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "