Member ng grupong UPGRADE na si Miggy San Pablo pinasok na rin ang Pulitika

 


Mula sa pagiging miyembro ng sumikat na boyband sa Bansa ang " Upgrade " ay pinasok na rin ng isa sa miyembro nito na si Miguel " Miggy " San Pablo ang Pulitika, kung saan tumatakbo itong Konsehal ng Baranggay sa kanilang lugar sa Malhacan, Meycauayan Bulacan.

Ayon nga ka'y Miggy " Kaya ko po pinasok ang Pulitika dahil na rin sa kinagisnan ko sa aking pamilya, kung saan ang aking ama po ay Kapitan ng aming barangay at Kagawad naman ang akong nakakatandang kapatid, tsaka masasabi ko din na isa yun sa pangarap ko ang mag lingkod sa mga tao,



" Kinalakihan ko na din po kasi na kasa-kasama ng ama at kapatid ko pagdating sa pagtulong sa tao, nakita ko yung pagmamahal nila sa aming ka-Barangay na gusto ko ding gawin kaya ako tumakbo, "

" Although tumutulong-tulong na rin ako sa mga kababayan namin sa abot ng aking makakaya, pero iba kasi pag naka puwesto ka mas maraming tao ang puwede mong matulungan, "
Ang kanyang amang si Kap Delfin " Dem " San Pablo III, at ang kapatid nitong tumatakbong Kapitan na si 
Kap Delfin " Tikboy " San Pablo IV at  ang actor at si Bulacan Gov. Daniel Fernando ang idolo nito pagdating sa pagiging mabuting pulitiko.


" Ang idolo ko po sa Politics siyempre yung Tatay ko si Kapitan Delfin, ang kapatid ko na tumatakbong Kapitan na si Kap Delfin Tikboy, dahil nakita ko yung sobra-sobrang pagmamahal at pagtulong sa aming mga kababayan, "

" At isa po sa tinitingala ko ang Gobernador ng aming Bayan na si Gob. Daniel Fernando, dahil nagawa niyang mapagsabay ang pagiging public servant at pag aartista, at nakita ko naman po ang napakaraming magagandang nagawa niya sa Bulacan, "



At kahi't pinasok na nito ang Pulitika ay hinding-hindi niya daw iiwan ang showbiz.

" Sa pag pasok ko sa pulitika, hindi naman ibig sabihin iiwan ko na ang showbiz, siguro time management lang magagawa ko ding mapagsabay, pero siyempre mas una para sa akin ang paglikingkod sa aking mga kababayan if papalarin akong manalo sa darating na eleksiyon, "



Kasamang tatakbo bilang Konsehal ng Malhacan, Meycauayan Bulacan sina 
Romel Mel abacan, Chon certeza, Beverly cornelio
Dang de guzman, Chery dayuta at Tom dulalia.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "