LJ Reyes kinasal na.... Paulo Contis nag bigay ng mensahe

 


Nag bigay ng mensahe si Paolo Contis sa dati nitong partner na kakakasal pa lang na si LJ Reyes sa kanyang non showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Sa isang interview nga nito ay nahingan ng mensahe si  Paolo para ka'y Lj na nung una ay sinagot nito ng wala sabay tawa, pero later on ay nag bigay na rin ito ng mensahe para sa aktres.


“Hahaha wala e!" inisyal na sambit ni Paolo.

“Well I’m very happy for her. That she has found the one. Congratulations sa kanila,” dagdag ni Paolo.


Maaalalang matagal ding nag sama sila LJ at Paolo, kung saan ang kanilang pagsasama ay nag bunga ng isang napakagandang bata na si Summer, pero kalaunan ay nag desisyon ding mag hiwalay.


Pumunta ng amerika si LJ kasama ang mga anak na si Summer at anak nito ka'y Paulo Avelino na si Aki at pansamantalang iniwan ang showbiz.


Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "