Poppert Bernadas suportado ni Cecille at Pete Bravo sa kanyang Music Museum Concert



Pagkatapos ng  sold-out concert last January entitled “Ang Musika, Ang Teatro at Ako” sa  Cultural Center of the Philippines,
ng mahusay na singer na si  Poppert Bernadas ay magkakaroon ito ng another concert this coming November 11, sa Music Museum ang 
  “Who Put the POP in POPPERT?”


Excited na nga daw si Poppert sa kanyang padating na concert at grabeng paghahanda na ang kanyang ginagawa.

Tsika nga ni Poppert bilang paghahanda sa kanyang concert  " Nag ri-research po ako ng mga hit songs na gusto ni sir Floy ( Quintos ), "
At desisyon daw ng kanyang direktor na wag ng i-announce ang kanyang magiging espesyal na panauhin. " its a Directorial decision, hindi siy naglagay ng guest!!! Good luck sa akin hahaha " natatawang pahayag ni Poppert.


Sobra-sobrang pasasalamat naman ang gusto nitong iparating sa mag asawang negosiyante at philanthropist na sina Pete at Cecille  Bravo ng Intele Builders and Development Corporation.

" Grabe po po sumuporta sina Tito Pete at Tita  Cecille , tunay na hulog po sila ng langit sa lahat ng mga artists na natulungan nila, "


" At isa na ako sa buong puso na nagpapasalamat sa kanilang pagmamahal sa akin at sa paniniwala sa  kakayanan ko bilang artist, at nagpapasalamat din ako sa suporta ng Ka Fam, "

Inaalay daw ni Poppert ang kanyang concert sa kanyang pamilya, kaibigan at supporters.


Ang “Who Put the POP in POPPERT?” ay magaganap sa Music Museum sa Nov
 11 mula sa direksiyon ni Floy Quintos.



Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "