Ram Castillo nangakong hindi papaiyakin si Mommy Merly Peregrino!


Pinagtagpo sa tamang panahon ang mahusay na singer na si Ram Castillo at ang talent manager at founder ng Team Abot Kamay na si Mommy Merly Peregrino.

Maaalalang si Mommy Merly ay sobrang nalungkot ng iwan ng kanyang alaga na pinagbuhusan niya ng sobra-sobrang oras at pagmamahal para umalagwa ang career. Samantalang si Ram naman ay nawawalan na ng kumpiyansa sa kanyang sarili na magkakaroon ng puwang sa mundo ng musika at nagbabalak ng bumalik sa probinsiya at iwan na ang pangarap na maging sikat na mang aawit.


Nang dahil sa isang kaibigan ay nagkakilala si Ram at Mommy Merly at nagkagaanan ng loob at nauwi sa usapang aalagaan ni Mommy Merly si Ram bilang bago niyang alaga.


At noong Oct. 7 ay naganap na nga ang contract signing ni Ram sa management ni Mommy Merly, kasabay ang selebrasyon ng 68 Birthday ng mabait at generous na si Mommy Merly.


Mensahe nga ni Ram sa kanyang manager " Ipinapangako ko po sa kanya na hindi ko siya paiiyakin at hindi sasakit ang ulo niya sa akin," 


Ngayon pa lang ay kaliwa't kanan na ang shows na gagawin ni Ram sa pangangalaga ni Mommy Merly at nakatakda na nitong i-record ang kanyang first single na mula sa komposisyon ni Papa Obet ng Barangay LSFM 97.1.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "