Sarah Geronimo gustong gawan ng kanta at maka-collab ni Zèla


Napaka versatile at maganda ang newest addition sa family ng AQ Prime Music na si Zèla.

Mula sa amerika ay nag desisyon si Zèla na umuwi ng Pilipinas para subukan ang kanyang luck sa recording scene at iwan muna ang kanyang singing career sa amerika.


Gusto daw kasi nitong iparinig at ma-appreciate ng mga kababayan natin ang kanyang mga awitin.


Bukod nga sa maganda ito, napakuhay kumanta at sumayaw at pinarinig nito ang kanyang single na " Karma "  na sarili niyang composition na base sa story ng kanyang friend na niloko ng kanyang boyfriend.


At kung bibigyan daw ito ng pagkakataon ay gusto nitong maka-collab ang kanyang ultimate favorite artist na sina Sarah Geronimo. Pangarap din daw nito gawan ng kanta ang Princess of Pop in the near future.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "