Catriona Gray inspirasyon ng model & beauty queen na si Marianne Beatriz Bermundo

      

Bukod sa korononang Little Miss Universe 2021 ay dalawa pang korona ang pinanalunan ni Marian Beatriz Batalla Bermundo ito ang Miss Teen Culture  world International 2023 at Queen Humanity International 2023.



At sa launching nga ng Aspire Magazine Philippines  " The Flight Of The Phoenix " last March 15 ay sinabi ni Marianne na si Catriona Gray ang naging inspirasyon niya sa pag sali sa mga pageant.


Bata pa lang daw si  Marianne ay napanood na nito ang laban ni Catriona mula Binibining Pilipinas, hangang Ms. World at Ms. Universe 2018 kung saan ito nag wagi at kinoronahan bilang pinakagandang babae sa Univirese noong taon na yun, at dito ay mas humanga si Marianne sa husay rumampa at sumagot ni Catriona na siyang inspirasyon nito.


Katulad nga ni Catriona sa murang edad ni Marianne ay napakahusay din nitong rumampa at sumagot sa mga katanungan. At kahi't tatlong korona na ang napanalunan nito ay pangarap pa riya na makasali sa malalaking pageant sa Bansa katulad ng Binibining Pilipinas, Ms World Philippines at Ms Universe Philippines at manalo at maging representative ng Bansa sa International Pageants.


Sa ngayon daw ay nagsisimula ng mag training  si Marianne hangga't bata pa para pag sali niya sa malalaking local pageants ay handang-handa na siya. Masuwerte si Marianne dahil very supportive ang kanyang pareants lalo na ang kanyang inang si Ms. Vergie Batalla Bermundo na siyang lagi nitong kasa- kasama sa kanyang laban.


Thankful daw si Marianne dahil lumabas na at last ang Aspire Magazine Philippines The Flight of the Phoenix kung saan siya ang cover ng pabalat nito, kaya nagpapasalamat siya sa CEO & President ng Aspire Magazine sa pagkakataong ibinigay sa kanya para maging cover girl ng latest issue ng nasabing magazine.





Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "