Pia Wurtzbach idolo ng Miss Universe SuperGrand Prix 2023 na si Khristine Ornopia


Maganda, matangkad at napakahusay sumagot sa mga katanungan ang 12 years old beauty queen & model na si Khristine Kate Almendras Ornopia na itinanghal na Young Miss Universe SuperGrand Prix 2023.

At sa lahat ng mga Pinay beauty queens na lumaban sa ibang bansa at nanalo ay ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ang idolo ni Khristine.


Bukod daw kasi sa napakaganda ni Pia ay napakatalino pa nito at mahusay sumagot, kaya naman daw ito ang kanyang inspirasyon bilang beauty queen at modelo.


Katulad ni Pia ay dream din ni Khristine na maging Ms Universe kaya naman kahi't bata pa ito ay nagsisimula na siyang mag training sa tulong ng kanyang mentor na si Ayen Cas.


At isa nga daw sa bubuo ng kanyang pangarap ang makita, makasama at makatrabaho ni Khristine si Pia in the near future.


Nagpapadalamat din daw ito sa suporta ng kanyang mga magulang na sina Ma. Christina Almendras-Ornopia at Rodrigo Ornopia sa pangarap niyang maging beauty quren at sikat na model.


At sa latest edition nga ng  Aspire Magazine Philippines ( The Flight of the Phoenix ) ay isa si Khristine sa featured beauty queen & model na makikita sa pahina nito.


Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "