Repakol ( Siakol ), handang-handa na para sa kanilang US tour

Handang- handa na para sa kanilang US Tour " Tropa North Bound Tour " 
ang bandang  Repakol ( Siakol ) sa buwan ng Abril  Mayo at Hunyo 2024.


Ang Repakol ay binubuo nina Noel Palomo ( Singwriter, composer & voacalist ), Miniong Cervantes ( Lead Guitar), Alvin Palomo ( Guitar ), Wilbert Jimenez ( Guitar ), Raz Itum ( Bass Guitar ) at Zach  Alcasid ( Drums ).
 
At sa kaniang mediacon kamakailan ay inununsiyo ng Repakol na tuloy na tuloy na ang pagpapasaya nila sa ating mga kababayan sa Amerika na magsisimula sa April 20 sa Rams Head Live, April 26 sa 58 Manor, April 28 sa Port  'N Starboard Ocean  Front  Banquet Center, May 11 sa Ur Coliseum, May 18 sa Buko Resto-Bar, May 24 sa Patio Theater at sa June 15 sa Fox Theater.


Kung saan dito ay aawitin nila ang kanilang nga hit songs gaya ng " Bakit Ba ", " Tropa " ," Ituloy Mo Lang ", " Peksman ", " Lakas Tama " at marami pang iba.


Kung saan makakasama nila sa kanilang US Tour sina Paul Sapiera ng Rockstar/Arkasia ( Fox Theater California ), The Melllow Dees Band na binubuo nina   Melody Del Mundo ex Sugar Hiccup ( vocals and guitar ), Wolf Gemora  formerly of Wolfgang  and Locomotiv ( drums ) at Nievera a.k.a Robin Nievera.

Bukod nga sa kanilang mga nabanggit na  schedules ay nakatakda din silang mag perform sa mga kababayan natin sa Los Angeles at Hawaii. 




Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "