Belle Mariano gustong maka-collab ni Ysabelle Palabrica



Ang Kapamilya singer & actress na si Belle Mariano ang idolo ng very promising artist at alaga ng kaibigan naming si Audie See na si Ysabelle Palabrica. 


Sa Presscon and media launch ng debut song ni Ysabelle na " Kaba " na unang pinasikat ni Tootsie Guevarra ay sinabi nito na bukod sa pagkanta ay gusto din nitong mag artista at ang Star Magic Artist na si Belle ang gusto nitong  maka-collab pagdating sa kantahan at  makasama sa teleserye o pelikula.


Ang " Kaba " ay mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at iri-release ng Vehnee Saturno Music at available na sa lahat ng digital streaming app., youtube, Tiktok atbp.




Very thankful daw si Ysabelle ka'y maestro Vhenee dahil sa kanyang ipinagkatiwala na i-revive ang hit song ni Tootsie na " Kaba " , nagpapasalamat din ito sa kanyang mga magulang na sina Bingawan Ilo Ilo Mayor Mark Palabrica at Jean Magno-Palabrica sa 100% support sa kanyang pag pasok sa showbiz.


At sa darating na  April 21 ay magiging panauhin ito kasama ang mga kagrupo niyang Krazy-X sa Major OPM concert  entitled " Noon at Ngayon " nina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, Gino Padilla at marami pang iba.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "