G!LU perfect movie ngayong Summer !



Very timely  ngayong summer ang pagpapalabas ng barkada film na G!LU na hatid ng AlV Films, Benchingko Films at Rein Entertainment, mula sa panulat at direksiyon ni Philip King ng Rein Entertainment.

Ang G!LU ay pinagbibidahan nina David Licauco, Derrick Monasterio, Teejay Marquez, Kiko Estrada, Enzo Pineda, at Ruru Madrid.


Ang istorya ng G!LU ay tungkol sa adventure and mis-adventure  ng anim na miyembro ng VBC (Valley Boys Club) na sina David, Derrick, Teejay, Kiko, Enzo Pineda, at Ruru na bata pa lang ay magkakabarkada na at sobrang close sa isa't-isa.

Kung saan sa last seven days ng summer at kanilang pagsasama ay ang last seven days din na puwede silang maging wild and free bago maghiwalay-hiwalay sa napakagandang beach sa La Union.


Bawat miyembro ng Valley Boys Club ay may kanya-kanyang kuwentong paniguradong maraming mga kabataan at manonood ang makaka-relate at mapupulot na aral.

Kumpletos rekados ang G!LU, may aksiyon, drama na may mga eksenang mIiyak ka at  romance, kung saan kikiligin ka at mapapasabing sana all.


Bukod kina David, Derrick, Teejay,Kiko, Enzo, at Ruru at kasama din sa pelikula sina Pinky Amador, Michelle Dee, Katarina Rodriguez, Chanel Morales, Maureen Montagne, Sophia Senoron, Kimi Mugford, Ali Forbes, Carl Guevara, Ken Anderson, Denver Hernandez at marami pang iba.


Mapapanood sa local theaters ang G!LU sa  April 24 (Wed), written and directed by Philip King of Rein Entertainment

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "