Patricia Javier at Doc. Rob Walcher masaya sa 10th year Anniversary ng Doc Rob Chiropractic Wellness Clinic


Nag celebrate ng kanilang 10th year anniversary ang 
Doc Rob Chiropractic Wellness Clinic na pag aari ng mag asawang Doc Rob Walcher at Actress & Beauty Queen Patricia Javier na ginanap sa Windmills & Rainforest, scout borromeo street, scout triangle Quezon City last April 19, 2024.

Kung saan nagsilbing host si Atorni Ton at naging espesyal na panauhin naman ang awardwinning actress na si Ara mina  at ang mahusay na singer na si Malu Barry.




Kasabay ng selebrasyon ng kanilang 10th year anniversary ang selebrasyon naman ng 50th Birthday ni Doc. Rob.


Ayon nga ka'y Patrcia, hindi ganun kadali ang kanilang pinagdaanan bago nila naabot ang 10 years ng kanilang negosyo, lalo na't may mga taong walang ginawa kung hindi i-bashed si Doc Rob sa loob ng walong taon.


At kahi't nga below the belt na ang mga  paninirang ginagawa sa kanila ay mas pinili na lang ni Patricia at ni Doc Rob na wag ng patulan ang nasabing basher, at mag focus na lang sa kanilang  negosyo na  may six branches na ngayon sa buong Pilipinas ( Quezon City, Makati, Alabang, Cavite, Pampanga-Infinity Angeles, Pampanga-Friendship Hi-Way ).


Biro nga ni Patricia na gusto niyang  pasalamatan ang nasabing basher na ayaw na lang niyang banggitin ang pangalan dahil sa walong taon na paninira niya ka'y Doc Rob at sa kanilang negosyo ay mas pinapasikat niya lang lalo ang itinuturing na number one Chiropractic Wellness Clinic sa Bansa.



At sa kanilang 10th year anniversary ay may mga produkto silang ilalabas at isa na dito ang pampa-healthy na Doc Robs Wellness Supplements " Immune Boost " ( Food Supplement Drink ).

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "