Ysabelle Palabrica hinangaan ang husay sa concert nina Rachel, Hajji at Gino!


Matagumpay ang katatapos na major OPM concert,  " Noon at Ngayon ", sa New Frontier theater sa Cubao, QC noong Abril 21 nina Hajji Alejandro, Rachel Alejandro, at Gino Padilla, kung saan naging espesyal na panauhin ang newest recording artist na si Ysabelle Palabrica.




At isa sa nga pinag usapan ng gabing iyon at talaga namang pinalakpakan ay ang performance ng 15 years old na si Ysabella , kung saan inawit nito ang kanyang first single na " Kaba "  na mula sa komposisyon ni Maestro Vehnee Saturno at unang inawit ni Tootsie Guevarra.

Kitang-kita ngang pinaghandaan nitong maigi ang kanyang performance ng gabing iyon with back up dancers na sobrang naibigan ng mga taong nanood ng nasabing konsiyerto.


Post nga nito sa kanyang facebook page ( Ysabelle Palabrica ).

" My 1st ever concert at New frontier Theater in Araneta, Quezon City will always be memorable to me. "

" I met all these  stars that represented their generations from 70's Mr. Hajji Alejandro, VST, Hagibis, Boyfriends, Ms Rachel Alejandro of the 80s, Mr Gino Padilla of the 90s, Kris Lawrence of Millenials  and with Me and Krayz-X  of the GenX. Till next concert..... "


Si Ysabelle ay suportado ng kanyang mga magulang na sina Mark Palabrica, alkalde ng bayan ng Bingawan sa mataas na progresibong lalawigan ng Iloilo at JeAn Magno Palabrica na may-ari at tagapangasiwa ng isang pribadong paaralan na kilala bilang Centerphil Montessori na may mga Campus sa Iloilo at Bacolod City.




Nakasama din ni Ysabelle sa Noon at Ngayon concert sina Rigor ng VST & Company, Carlo Parsons, at Pete Galera ng Hagibis, Nitoy Malillin ng Abracadabra, John Raymundo ng Tawag ng Tanghalan, Edwin Cando ng Tawag ng Kampeon, Geoff Taylor, RNB Prince Kris Lawrence, Mia Japson, Arabelle de la Cruz, Rachelle Gabreza, Kyle macaranas, ,Harris Kumar,
Harpreet Kumar, Mika Pardo,at Krayz-X Dancers.

Si Ysabelle ay alaga ni Audie See na siyang nagpasikat noon sa  magkapatid na Cherry Lou at Cherry Gal ng the " Cherries "  atbp.


Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "