Pinoy International singer na si Nick Vera Perez lilibutin ang Pilipinas sa album tour ng Laging Ikaw


Nasa Bansa ang mahusay na Pinoy International singer na naka base sa Chicago, USA at United Nations International (Mr. USA United Nations 2023)
na si Nick Vera Perez para sa promotion ng kanyang bagong album ang " Laging Ikaw " na kanyang itu-tour sa buong Pilipinas.

Sa nakaraang presscon nga nito na ginanap sa Max's Restaurant sa SM City North Edsa kamakailan ay sinabi nito na excited na siya sa paglibot sa iba't-ibang parte ng Pilipinas para sa promotion ng kanyang " Laging Ikaw " Album.




Kung saan nga ng unang ini-release ito ( Laging Ikaw ) as a single noong 2021 ay humamig ito ng one Million downloads sa loob lamang ng apat na araw.

Bukod nga sa promotion ng kanyang album ay magsisilbing bakasyon na rin ito para sa kanya para makita at maka-bonding muli ang kanyang mga kamag anak at mga malalapit na kaibigan.


Ayon nga sa napaka-generous na singer "It's like a working vacation every time I'm here in the Philippines,"

Ibinahagi din ni Nick kung sino ba ang ang  Laging Ikaw ng kanyang buhay.


"I'm a very private when it comes to my personal life. Hiwalay yung public image and my private life. Si Mommy (Visitacion Tan, her mom)  na lang ang inspirasyon ko! Lagi namang siya," 

Basta masaya daw ito  at kuntento sa kanyang buhay, lalo na't bukod sa "Laging Ikaw " ay plano nitong makabuo ng sampung album.


"Actually, it was delayed because of the pandemic. But as I always say, we'll push through with it as much as we can. That's why we're here now to promote the album," 

Ilan pa sa napaka-matagumpay na album ni NVP ang  'I Am Ready', 'Our Christmas', 'Parte ng Buhay Ko', at 'Unafraid'.

Ang " Laging Ikaw " album ay binubuo ng 12 tracks at lahat ay available na sa  220 digital platforms.


Mapapanood ng live si NVP sa kanyang mall tours na magsisimula sa kanyang hometown sa  Zamboanga City sa KCC Mall de Zamboanga Atrium  sa May 9 from 3-6pm , SM city Gen San sa  Mother's Day (May 12,2024 from 3-6PM), Davao city (Gaisano City Gate) May 14, 2024 3-6pm.

At sa Farmer’s Plaza Cubao sa May 18 (Saturday) , Star Mall EDSA-Shaw sa May 19 (Sunday), Isetann Recto sa May 23 (Thursday)  at sa  Sta. Lucia sa . May 24 (Friday).


Kung saan magiging espesyal na panauhin nito si Ms. Evelyn Francia, na kilalang  singer sa  Chicago dahil sa kanyang angelic at powerful vocals.

At para sa iba pang kaganapan ka'y NVP sundan ang lahat ng kanyang social media platforms ( Nick Vera Perez. ).

   
    

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "