LA at Kira napakahusay sa pelikulang Maple Leaf Dreams

 



              
Masyang -masaya ang lead actors ng inaabangang pelikulang " Maple Leaf Dreams " na sina LA Santos at Kira Baringer sa magandang feedback ng mga taong nakapanood ng kanilang pelikula sa kanilang matagumpay na premiere night na ginanap sa Gateway 2 Cineplex last Sept. 20.

Ang Maple Leaf Dreans ay mula sa mahusay na direksiyon ni Benedict Mique, at sa panulat ni Hannah Cruz.


Maganda ang pagkakagawa ng pelikula ni Direk Benedict Mique, mahusay sina LA at Kira na gimampanan ang role nina Macky at Molly ang magkasintahang pumunta ng Canada para sa pinapangarap na magandang buhay, pero hirap lang pala ang kanilang pagdadaanan sa nasabing Bansa.

Kakakbang Kira ang mapapanood dito na mas humusay at lumalim ang pag arte, samantalang di naman matatawaran ang husay dito ng ilang ulit ng nanalong Best Supporting Actor na si LA na talaga namang madadala ka sa kanyang mga eksena.



Kasama nina Kira at LA sa nasabing pelikula sina 
Ricky Davao, Hannah Vito, Kanishia Santos, Bea Rose Santiago, Joey Marquez, Snooky Serna, Jef Gaitan, Benito Mique, Malou Crisologo at Jong Cuenco.

Ilan sa dumalo at sumuporta sa pelikula nina LA at Kira sina  Jameson Blake, Bailey May,
 Seth Fedelin, Anji Salvacion, Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, Krystal Brimner.  Gillian Vicencio, Direk Easy Ferrer, Kim Molina at Jerald Napoles.


Ang Maple Leaf Dreans ay hatid ng 7K Entertainment, Lonewolf Films at ABS-CBN's Star Magic at mapapanood sa mga sinehan nationwide simula  September 25 at sa Canada simula sa September 27.

Comments

Popular posts from this blog

Elle Fernandez gustong maka-trabaho sina Marian, Dingdong at Barbie

Miguel Bravo Starstudded ang Birthday

Celebrity Businesswoman & Philanthropist Cecille Bravo ginawaran ng " St. Catherine's Award of Distinction 2024 "