Gerald Anderson, Gamit ang Greenfield Tools sa Kanyang Resort sa Zambales: “Wala Nang Brownout”
Ipinagdiwang ni Gerald Anderson ang ikalawang taon ng kanyang pakikipagsosyo sa Greenfield Tools sa ginanap na press conference, kung saan ibinahagi niyang ginagamit niya mismo ang mga produkto ng brand sa kanyang negosyo.
Ayon kay Gerald, ang Greenfield Tools Commercial Generator na ang nagpapaandar sa kanyang resort sa Zambales, at wala na umanong brownout sa lugar mula nang gamitin niya ito.
Sinabi naman ni Wayne Coherco ng Greenfield Tools na hindi pilit ang partnership at natural itong nabuo. “Kaya si Gerald talaga, we felt with his very different, many different roles, and then now he’s building his resort, and he’s doing all of them. He does his relief efforts. There really is a very strong and natural fit,” ani Coherco.

Comments
Post a Comment